Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino, Alexa Ilacad

Albie at Alexa nag-sorry sa isa’t isa; nanganganib ma-evict

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng Pinoy Big Brother House nang dahil sa isyu sa peanut butter, nagkaayos na rin sina Albie Casino at Alexa Ilacad.

Sa episode ng Pinoy Big Brother:Kumunity Season 10 noong Sabado, November 6, na-patch  up ang differences sa dalawa. Si Albie ang unang nag-approach kay Alexa. Nilapitan niya ito at niyakap, sabay humingi ng pasensiya.

Sabi ni Albie kay Alexa, “Pasensya na ha!” Na ang reply ni Alexa ay, “I’m sorry too. I love you still. I love you always.”

Sagot naman ni Albie, “Ang tagal na nating magkakilala. Ngayon pa tayo na-bad trip sa isa’t isa.”

Sa confession room, sinabi ni Albie kay Kuya ang dahilan kung bakit naisip niyang humingi ng pasensiya kay Alexa.

“Humingi na po ako ng pasensya sa kanya. Inakbayan ko lang po siya tapos sabi ko lang po sa kanya, ‘pasensya na ha!’ Nag-aabot-abot lang talaga sa akin lahat. Si Alexa naman sabi niya, ‘Sus hindi pa nga sigawan ‘yun eh,’” sabi ni Albie.

Natuwa si Albie dahil wala nang tensyon sa kanila ni Alexa. 

“Happy na po ako na wala na akong tensyon dito sa bahay and feeling ko po na tama ‘yung desisyon ko na hinintay ko po talaga na ngayon kami nag-usap. Ayaw ko pong minamadali ‘yung mga ganyang bagay pero hindi naman po tama na pinatatagal ng sobra. So, hinahanap ko lang po talaga ‘yung tamang tiyempo. 

“Katulad ng lagi kong sinasabi, ang tagal ko na siyang kilala. Excited ako na makasama ko siya rito. Siguro naman po sa pamilya mayroon naman po talagang oras na nag-aaway pero hindi naman ibig sabihin niyon na hindi ninyo mahal ang isa’t isa,” aniyapa. 

Pero ang tanong, sa pagkakasundo na ulit ng dalawa, magkasama pa kaya ulit sila sa loob  ng bahay ni Kuya, o baka hindi na? Pareho kasi silang nominado sa 2nd Eviction Night. Kung isa sa kanila ang matatanggal, nakapanghihinayang naman ang pagkakabati nila, ‘di ba?

Pero kung wala sa kanilang mai-evict, at least kapag magkasama na ulit sila sa PBB House ay magpapansinan na ulit sila at mag-uusap dahil nga okey na sila. 

Well, abangan na lang natin kung may ma-evict ba kina Alexa o Albie, o baka naman isa kina KD Estrada at Anji Salvacion ang ma-evict?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …