Saturday , November 16 2024

Sa Cebu
200 MAMAMALAKAYA NAGPROTESTA VS PROPOSED RECLAMATION PROJECT

SA GITNA ng walang tigil na ulan, nagtipon ang hindi bababa sa 200 mangingisda mula sa isang coastal barangay sa bayan ng Consolacion, sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Cebu nitong Linggo, 7 Nobyembre, upang ipaha­yag ang kanilang pag­kontra sa proposed reclamation project na itinutulak ng mga opisyal ng bayan katuwang ang isang pribadong consortium.

Nagtipon ang mga nagprotestang mangingis­da mula sa Sitio Baha-Bah, sa Brgy. Tayud, sa dalampasigan dakong 6:00 am kahapon, dala ang mga poster gawa sa cartolina kung saan nila isinulat ang kanilang mga hinaing laban sa 235.8-ektaryang reclamation project.

Sa gitna ng kanilang protesta, nagsimulang bumuhos ang ulan pero hindi nagpatinag ang mga kalahok, kaya imbes umuwi ay sinamahan ng mga mangingisda mula sa mga lungsod ng Mandaue at Lapu-Lapu.

Nanguha ng shellfish at mga alimango sa dalam­pasigan ang mga mangingisda bilang patu­nay na maraming yamang-dagat sa nabanggit na lugar.

Kalaunan, niluto nila ang mga tinipon at kinain para sa kanilang agahan.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Dr. Filipina Sotto ng FBS-Environment and Community Research and Development Services, ‘think tank’ na nakabase sa Cebu at nakatuon sa mga isyung pangkalikaasan, sinabi niyang ang lugar ay sagana sa yamang-dagat kabilang ang 75 uri ng corals at pitong uri ng bakawan.

Nagbabala si Sotto sa hindi na maibabalik na pinsala sa yamang-dagat kung maisasakatuparan ang proyektong tinaguriang “Seafront City.”

Samantala, lumagda ang mga mangingisdang lumahok sa kilos-protesta ng hiwalay na petisyon para kay Pangulong Rodrigo Duterte na humihiling ipatigil ang proyekto.

Nabatid na ito ang ikatlong petisyong ipina­dala ng grupo sa pangulo.

Nilagdaan ang unang petisyon ng higit sa 2,000 manggagawa ng hindi bababa sa pitong shipyard na maaapektohan ng naturang proyekto.

Gayondin, nagpadala ng petisyon sa pangulo ang mga residente ng Brgy. Tayud, kabilang ang mga may-ari ng mga karinderya at boarding house, na ang kabuhayan ay naka­de­pende sa operasyon ng mga shipyard sa lugar.

Sa pangatlong peti­syon, pumirma ang mga mamamalakaya ng barangay para iprotesta ang proyektong maaaring makaapekto sa kanilang kabuhayan.

Ang naganap na kilos-protesta kahapon ay pangalawang aktibidad kontra sa proyekto sa loob ng isang buwan.

Noong 17 Oktubre, may 50 mangingisda mula sa kalapit na Sito Bagacay ang nangisda sakay ng kanilang mga bangka upang pasinu­ngalingan ang sinasabi ni Consolacion Mayor Johannes Alegado at ng kanyang inang si Vice Mayor Teresita Alegado, na walang isda sa lugar dahil sa mga shipyard.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …