ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Sabado ng gabi, 6 Nobyembre, sa lungsod ng Pasig.
Sa ulat na tinanggap ni P/BGen. Orlando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rod Solano, alyas Dagul, 36 anyos; Mark Jore, 34 anyos; at Criss Bellen, 21 anyos, pawang mga residente sa West Bank Road, Floodway, Brgy. Maybunga, sa nabanggit na lungsod.
Nakompiska ng grupo ni P/Maj. Darwin Guerrero mula sa mga akusado ang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na siyam na gramo at tintayang nagkakahalaga ng P61, 400, ilang shabu paraphernalia, at anim na tig-P1000 billa na boodle money.
Kasalukuyan nang nakapiit ang tatlo sa detention cell ng pulisya at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)