Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim, Kim Chiu, KimXi

Xian at Kim madalang nga bang mag-I love you sa isa’t isa?

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pinakabagong vlog ni Kim Chiu na kasama ang boyfriend na si Xian Lim, sinagot ng dalawa ang ilang mga katanungan mula sa kanilang mga tagahanga.

Isa sa mga tanong ng mga netizen ay kung bakit parang nahihiya na magsabi ng I love you si Kim kay Xian. 

Si Xian ang unang sumagot. Sabi niya, ”Sagana ako sa I love you. Saan ninyo po nakuha ‘yung idea na nahihiya si Kim na mag-I love you?

“Tiba-tiba pa nga ako sa I love you ni Kim. Pero I think hindi lang talaga kami PDA (public display of affection) na tao. Hindi tayo ma-PDA. ‘Yon tayo ‘yung type ng relationship namin is hindi kami ma-PDA,” paliwanag pa ni Xian.

Ang sagot naman ni Kim, “alam na namin ‘yun sa isa’t isa.”

After sagutin ang tanong ng kanilang fan, nagbigay ng payo sina Kim at Xian kung paano  mapahaba at mas mapatatag ang isang relasyon na tulad ng sa kanila..

“Loyalty and trust sa partner mo. Loyal ka, loyal ang partner mo at may tiwala ka sa partner mo na hindi siya gagawa ng kalokohan. Iwas sa mga duda-duda. Selos-selos sometimes pero okay lang naman ‘yon,” sabi ni Kim.

Pagsang-ayon naman ni Xian, ”Yes, tama si Kim. I guess putting it into work. Hindi porke kayo na ay petiks-petiks na lang. I guess it’s your duty and obligation.”

Siguro kaya tumagal ang relasyon nina Kim at Xian ay dahil nga may trust sila sa isa’t isa ‘di ba? Hindi nila pagdududahan na may magloko isa man sa kanila. Wish lang namin na sana nga ay may forever sa kanilang relasyon, na hindi na sila maghihiwalay pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …