Wednesday , May 14 2025

Sa Marikina
BEBOT, 3 KELOT ARESTADO, 149K DROGA KOMPISKADO

ARESTADO ang apat katao nang masamsaman ng 22 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Brgy. Concepcion Uno, sa lungsod ng Marikina, nitong Linggo, 31 Oktubre.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jonny Yap, 50 anyos; Nicodemus Eugenio; John Resoso, 22 anyos; at Rose Mary Ann Inamac, alyas Nene, 32 anyos, pawang residente sa Bantayog St., sa nabanggit na barangay.

Nabatid na naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek dakong 8:10 pm, kamakalawa, nang pagbentahan ng hinihinalang ilegal na droga ang isang operatiba kapalit ng buy bust money.

Nakompiska mula sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 22 gramo, tinatayang nagkakahalaga ng P149,600, isang kaha ng sigarilyo, buy bust money, at shabu paraphernalia.

Kasalukuyan nakapiit ang apat na suspek sa detention cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …