Wednesday , May 7 2025

Casimiro binusalan si Defensor

BINUSALAN ng tagapagsalita ng Quezon City si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor sa pahayag na dapat ay bigyan ng pamahalaang lokal ang mga kawani nito ng  “year-end bonus” bilang dagdag na ayuda para makaahon sa paghihirap dala ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Sinabi ni Atty. Orlando Casimiro, hepe ng legal department ng Quezon City at tagapagsalita nito, ang mga pahayag ni Defensor ay huli na, dahil ang katotohanan, ay nakapagpalabas na ng memorandum circular si Mayor Joy Belmonte ukol dito bago pa naisipan ng mambatatas.

Maging sa social media ay sinupalpal ni Casimiro si Defensor nang opisyal ipaskil sa kanyang Facebook page ang kanyang paliwanag na si Defensor ay huling-huli na sa balita, gaya ng kalagayan sa mga survey na nagsasabing ‘kulelat’ din ang mambabatas sa mayoralty race.

Ipinaskil din ni Casimiro ang tatlong memorandum circular na inisyu ni Mayora Joy Belmonte na nagsasaad ng pagbibigay ng Christmas bonus at iba pang mga benepisyo sa mga empleyado ng Quezon City hall na di hindi kinakailangan lumagpas ng 20 Disyembre 2021.

Ayon kay Casimiro, taon-taon namang ginagawa ito ng Mayora magmula nang maupo bilang punong-lungsod.

“Simula pa po nang umupo si Mayor Joy ay ipinakita na niya ang pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga empleyado ng Quezon City, lalong-lalo sa frontliners. Nakagawian na at bago mag-December 21 ngayong taon, ibibigay na ang mga benipisyong ito,” pahayg ni Atty. Casimiro.

“Matagal nang nagawa ni Mayor Joy Belmonte ang maiangat ang antas ng pamumuhay at pagbibigay ng sapat na benepisyo sa mga manggagawa ng Lunsod Quezon,” dagdag ng abogado na may hashtag pang  #LateKaNaManongCong sa kanyang paskil sa social media.

Patungkol ito sa mga pahayag at pasaring ni Defensor na idinaraan sa ‘press releases’ ng mambabatas na tila hindi pinag-aaralan o ginagawan ng fact checking, ayon sa opisyal.

Inihalimbawa ni Casimiro ang pahayag ni Defensor na overpriced ang mga ayudang naipamigay ng pamahalaang lungsod sa mga residente nito, samantala sinasabi ng Commission on Audit (COA) na “above board” ang lahat ng pag-angkat ng siyudad sa mga ipinamahagi nitong mga ayuda bunga ng pandemya.

Katunayan ay pinarangalan pa nga ng COA ang siyudad sa maayos nitong pagsunod sa procurement laws.

Maging ang maling pahayag ni Defensor na magtataas ng amilyar ang pamahalaang lungsod, ay sinopla ni Casimiro. Walang pagtataas ng bayad sa amilyar ang magaganap dahil alam ng pamunuan ng Quezon City ang kalagayan ng lahat sa panahon ng pandemya.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …