Monday , April 28 2025
Arnel Ignacio malacanan

Arnell napika sa mga banat na wala siyang ginagawa sa OWWA

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

BWISIT na bwisit ngayon ang Deputy Administrator ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) na si Arnell Ignacio dahil sa walang sawang komento ng haters at bashers niya sa social media.

Lalo na kapag nagla-live streaming siya.

Ang banat kasi sa kanya eh, wala siyang ginagawa sa puwestong muling pinaglagyan sa kanya ngayon.

Paulit-ulit ding naglinaw si DA Arnell sa mga kinakausap niya kapag nagla-live siya at sumasagot ng mga tanong na ang mga hinaing na inihahain ng karamihan sa kanila ay ang DOLE (Department of Labor and Employment) ang tutugon at hindi ang OWWA.

Taga-proseso nga ang kanyang tanggapan ng mga kailangang ibigay na ayuda sa mga gaya ng hotels, catering, bus services at sari-sari pang tulong na ibininigay naman ng nasabing mga negosyo para sa kapakanan ng mga umuuwi nating kababayang kailangang sumailalim sa kung ilang araw na quarantine sa iba’t ibang hotels sa bansa.

Nasaksihan ko sa kanyang opisina sa OWWA ang araw-araw na pinipirmahang mga tseke ni DA Arnell para bayaran ng nasabing sangay ng pamahalaan sa mga nagbigay ng serbisyo sa ating mga umuuwing kababayan. Ang kakapal nga ng mga report kung saan sila gumasta at bale inire-reimburse nila ang mga gastos na inabot nila.

‘Yun pala ang sagot ng ating pamahalaan para sa kapakanan ng ating mga umuuwing kababayan na kailangang i-quarantine bawat isa sa halos dalawang linggo.

Hindi biro.

“Kaya tatampalin ko ang mga nagsasabi pa rin sa akin na wala akong ginagawa sa trabaho ko rito sa OWWA. Kampante ng nakauwi sa mga bahay nila ang mga kasamahan ko, ako tinatapos ko lahat ang mga dapat ng mapirmahan para makasingil na rin ang mga nagserbisyo na sa ating mga kababayan.

“Pero hindi lang pagpirma (using his Montblanc pens) ang gawain ko sa opisina. Gusto ko maging magaling talaga. Kaya eto inaral ko paano mag-chair ng Bids and Awards Committee dahil maraming bibilhin. Ako ang head nito kasi.

“Hindi ko alam why I am here doing these things. Basta alam ko lang siya. Pati ang paghawak sa mga tao. Siguro nga, si Daddy (who worked as a head in a bank before he retired and passed on) ang nagga-guide sa akin sa ganyan. I am enjoying my work. Kahit kahon-kahon pa ‘yang dumating, matatapos at matatapos ko lahat ang nandyan for the day. May mapangiti man lang sa kay tagal ng nagsisipag-hintay at nakapila sa mga isinumite na nilang mga singilin.

“Kaya, hindi ko makita kung sino na naman ang mga may pakana ng pangga-ganyan sa akin. Kaya gusto ko ng patulan!”

Early this year, sa kanyang Hair Creative System din siya abalang-abala, nakilala ni DA Arnell ang mga tao sa likod ng RS Engineers na siyang naglagay ng demountable floor barrier reefs sa kanyang tahanan. Ang German Quality na floor control barrier ang solusyon para hindi malubog sa baha ang isang lugar na gaya ng kinalalagyan ng bahay niya sa Cainta. Na sinaksihan pa ni Mayor Kit Nieto ang installation.

Ilang araw lang, may lumapit din kay DA Arnell at nagpakilala naman ng isang makinang may kinalaman naman sa kalusugan. Ang imbensyon ni Charlie “Miracle” Nam na Hydrogen Inhalation System.

Mapagpatol nga ang DA. Agad-agad na bumili siya nito para sa kanyang kalusugan. Na eventually, alam niyang magiging giya para makilala ng lahat kapag nakita nilang maganda ang epekto sa kanya!

Flood-free house. Disease free home. A bashers and haters-infected position now. Free na rin ba?

About Pilar Mateo

Check Also

Faith da Silva Gil Aga Anore

50th Grand Santacruzan sa Barangay Libid, Binangonan, kasado na sa Mayo 4!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING makulay at masaya ang ihahandog ng Barangay Libid para …

Liriko An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa 

Liriko: An Intimate Night of Music show para Sa Golden Gays at Gabay ng Landas

ISANG Filipino producer na nasa LA sa Amerika, si Jensen Carlo Quijano, ang nag-produce ng show …

Innervoices

Innervoices muntik magkawatak-watak

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng tumatayong leader ng grupong Innervoices na si Atty Rey Bergado ang naging desisyon nila  …

Junell Hernando Nora Aunor Christopher De Leon

Dating child actor masuwerte na nakatrabaho si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ng dating child actor at isa sa bumida sa mga pelikulang  Magic …

Nora Aunor Judy Ann Santos

Juday kay Nora natutunan kababaan ng loob

RATED Rni Rommel Gonzales KAY Nora Aunor daw natutunan ni Judy Ann Santos ang pagpapakatotoo sa sarili, pati na …