Monday , November 18 2024
Jonas Sultan, Carlos Caraballo

Sultan tinibag si Caraballo via unanimous decision

HINDI kinatakutan ni Pinoy boxer at dating world title challenger Jonas Sultan ang karta ni Carlos Caraballo na may 14 wins sa 14 fights na humiga lahat sa lona ang kalaban.

Ipinakita ni Sultan ang tapang ng mga Pinoy nang pabagsakin niya ang Puerto Rican knockout artist  ng apat na beses para manalo via unanimous decision.  Sa panalong iyon ay nasungkit niya ang WBO Inter-Continental Belt na ginanap sa Hulu Theatre sa Madison Square Garden.

Nagpakita agad si Caraballo ng kanyang pambihirang bilis at tikas sa laban pero preparado si Sultan na huli siya sa second round para mapabagsak ng isang kanan.   Nasundan Naulit ang paluhod sa canvas ni Caraballo sa third, sixth at ninth rounds.  May isang knockown na ipinataw kay Sultan sa third  na halos ng nakapanood ay naniniwalang walang tumamang suntok sa Pinoy boxer nang dumaiti ang kanyang glove sa canvas.

Sa pagtatapos ng laban, ibinigay kay Sultan ang panalo  na may pare-parehong iskor na 94-93.

Nakabalik si Caraballo sa 7th at 8th round nang makatama ito ng mga power punch kay Sultan na halatang tumukod sa nasabing rounds.  Pero nakuha ng Pinoy champ ang second wind paa pabagsakin uli sa 9th round si Caraballo.

Si Sultan na minsang tinalo ang kasalukuyang kampeon ng WBO bantamweight na si Johnriel Casimero ay nag-imprub ang record sa 18-5 na may 11 KOs.

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …