MATABIL
ni John Fontanilla
SUPER wild kung ilarawan ni Kiko Matos ang raped scene nila ng lead actress/producer na si Ana Jalandoni sa Manipula na idinirehe ni Neal Buboy Tan.
Ginagampanan ni Kiko ang isa sa rapist ni Ana, pero kahit grabe ang nasabing eksena, naging maingat naman si Kiko para hindi masaktan ang aktres.
Dagdag pa ni Kiko na mapapanood sa pelikula ang kanyang big bird pero nilagyan ito ng prosthetics. Pero if ever nga na siya ang masusunod ay willing siyang ipakita ang kanyang hinaharap para mas lalong maging realistic at sa ikagaganda ng pelikula.
Makakasama nina Ana at kiko sa Manipula sina Christian Vasquez, Marco Alcaraz, at Aljur Abrenica.