PINAGPAHINGA na lang si Dwight Ramos ng Toyama Grouses nang tambakan nila ang Aomori Wat’s sa iskor na 105-71 nung Sabado sa Hokkaido Prefectural Sports Center sa pagpapatuloy ng 9th Emperor’s Cup.
Nagpasya ang coaching staff ng Toyoma na ipahinga ang kanilang star player na Pinoy para sa susunod nilang laban nang makita nilang kayang-kaya na ng kanilang bench na tambakan ang Aomori.
Naglaro lang si Ramos ng 12 minutes na nag-ambag ng four points, three rebounds, at three assists.
Pinangunahan ni Kevin Hareyama ang Grouses nang tumikada ito ng 28 puntos para ilarga ang team sa susunod na yugto ng torneyo.
Malaki rin ang iniambag ni Joshua Smith na may 15 puntos at walong rebounds, si Ryumo Ono ay may 12 puntos, samantalang sina Julina Mavunga, Brice Johnson, at Keijuro Matsui ay pareparehong may kontribusyon na 11 puntos kada isa.
Nakatakdang maglaro uli ang Toyoma sa Linggo na ang mananalo ay makakaharap ang mananalo sa pagitan ng laro ng Shimane Susanoo Magic at Ehime Orange Vikings sa All Japan Basketball Championsip tournament.
Si Kemark Carino na naglalaro sa Wat’s ay nag-ambag lang ng 4 puntos at isang rebounds sa 14 minuto ng paglalaro.