HARD TALK!
ni Pilar Mateo
MATAGAL na silang magkaibigan. Kaya ngayong naghahangad na makatulong sa kanyang mga kababayan si Atty. Jiboy Cabochan ng San Miguel, Bulacan, pandalas nang nakikita na kasa-kasama nito sa pag-iikot sa nasabing lalawigan ang unang Noble Queen of the Universe ng bansa, na isa ring singer-actress at maybahay ng Chiropractor na si Doc Rob Walcher, si Patricia Javier.
Noon pa man, magkaagapay na sina Patrcia at Atty. Jiboy sa mga adbokasiya rin ng aktres sa pagtulong sa balana.
Kaya nang mag-file ng kanyang CoC (certificate of candidacy) si Atty. Jiboy, animo rah-rah girl niya ang kaibigan.
At ngayong nagsisimula nang mag-ikot sa sari-sari hanggang sa kasulok-sulukang lugar ng San Miguel si Kuya Jiboy niya, nakasunod ang may hatid din namang tulong na aktres. Na madalas eh sinasamahan din ng iba pa niyang Queens.
Nagiging spokesperson pa at tagapagsalita sa maraming pagkakataon.
At ngayong nalilibot na niya ang buong San Miguel, sa edad niya ngayon lang niya lubusang natutunan ang gaya ng ipinagmamalaking heritage park na ngayon sa San Miguel na Biak-Na-Bato.
“Na sa ating kasaysayan ay nag-iwan ng malaking marka sa panahon ni Emilio Aguinaldo. Sa Cave na ito pala siya nag-opisina. At marami pa. Kaya nakatutuwa na malaman na lalo pang paiigtingin ni Kuya Jiboy ang mapalaganap ang turismo sa kanyang bayan.”
“Cleft-rock” ang English word sa Biak-na-Bato. Na parte ng kabundukan noong 1897 na roon nanahan ang puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo sa umaatakeng mga Kastila. Ayon pa sa pagsasaliksik, “Their main purpose was to have a Masonic lodge for Spanish speaking Filipinos and Europeans.”
Bakit ganoon na lang ang tiwala ni Patricia sa kanyang Kuya Jiboy?
“Hindi naman ito ang first time na tatakbo si Kuya Jiboy as Mayor. Tatlong beses na siyang natatalo. Gusto na nga niya mag-give-up. Kumbaga sabi nga niyong mga nagbibiro, naka-ilang terms na siya. Pero noong nagkaroon tayo ng pandemya, itong hindi pa rin mawalang virus, doon nanumbalik ‘yungbkagustuhan niya na lalo pang makatulong sa mga tao. Hindi siya doktor na manggagamot. Pero sa abot ng kanyang makakaya at sa tagal na rin namang ginagawa ito ng kanyang pamilya, tutulong at tutulong pa rin sila, na laban ng bawat San Migueleño.”
Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na taon si Patricia na ang tatakbo para sa isang posisyon na ang adbokasiya niya ay patuloy pa rin niyang magagawa sa mga tao.
Na sa bawat lugar na tatapakan ay may balik na natututunan. Lalo na sa kasaysayan. At sa ipinagmamalaki ng lugar na ‘yon!
“Either you win or learn!” ang pinaniniwalaan ni Kuya Jiboy sa daang patuloy niyang tinatahak.
Maganda kung win siya. And alongside, learn naman ang Patricia.
Tandem!