Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Liezl Sicangco, Cristy Fermin

Cristy Fermin ‘di pinatulan patutsada ng ina ni Kylie

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NANG i-call ni Liezl Sicangco, ina ni Kylie Padilla ang manunulat at online host ng sariling programang Cristy Ferminute sa Radyo5, One PH YouTube channel at Cignal play app na si ‘Nay Cristy Fermin ay hindi ito pinatulan ng huli.

Naiitindihan ni ‘Nay Cristy ang damdaming ina ni Liezl kaya kahit na anong sabihin nito para ipagtanggol ang anak ay okay lang at hindi niya ito papatulan.

“Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya. Kung paanong aangat din ako kapag anak ko ang kailangan kong idepensa. Alangan namang ibang tao pa ang kampihan namin, ‘di ba? Kaya naiintindihan ko.

“Ngayon doon sa mga pinagsasabi ni Liezl sa post niya bahala na ang husgado ng bayan ang bumalanse sa mga salitang ipinukol mo sa akin,” ilan lang sa sinabi ng batikang manunulat.

Anyway, may post ulit si Liezl kahapon nh tanghali na wala namang pangalang binanggit pero pinatutungkulan niya ang mga nagkalat o source ng kuwento tungkol sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie.

Ipinost ni Liezl ang kanyang larawan na naka-Hijab at ang caption, “Ingat…ingat..ang daming virus na nagkalat sa paligid parang SORCE ni Ewan, di mo makita parang Delta variant mahirap kalaban. ‘Astaghfirullah’ na ang ibig sabihin ay I seek forgiveness in God.”

May nagkomentong baka isa sa source ay galing sa pamilya ni Aljur pero hindi ito sinagot ng ina ni Kylie.

May sinagot si Liezl na kakilala niya na pinangangaralan daw niya ang anak na huwag dahin sa social media ang gusot dahil kawawa ang mga bata o apo niya.

Aniya, “matagal na sis, gusto nila ng gano’n laban.  Hindi kami nagtawag ng reporter dahil kami mismo mag adviced kay Kylie na ‘wag mag-away sa social media dahil hindi nakakabuti sa mga bata.

“Kelan man hindi kami nakialam sa kanila, pure advice lang. Walang perfect na tao lahat nagkakamali. Ok n asana kung tahimik na lang at sa court na lang pag-usapan. Sana tumigil na sila kawawa ang mga bata.”

Sa obserbasyon namin ay tahimik na sina Aljur at Kylie na binisita namin pareho ang kanilang social media accounts at wala na silang mga post na tungkol sa gulo nilang mag-asawa.

Ang media ay nagsusulat lang kapag may mga nababasang updated posts mula sa kanila.

Tulad ngayon, may post ang ina ni Kylie na si Liezl kaya may nasulat kami. Siguro kung hindi na rin siya magpo-post ng cryptic messages ay tiyak na tahimik na rin ang isyu ng anak at ex-husband nitong si Aljur.

Just my two cents.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …