Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Val de Leon, Sara Duterte

Sa pagka-Chief PNP
PRO3 CHIEF BRIG. GEN. VALERIANO DE LEON, MANOK NI MAYOR SARA

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HABANG nalalapit ang pagreretiro ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa darating na 13 Nobyembre,  lalo namang umiinit ang usap-usapan kung sino ang papalit sa kanya.

Isa sa maugong  ngayon ay si Police Regional Office (PRO) 3 director Brig. Gen. Val de Leon na personal na manok umano ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Unang nakilala ni Inday Sara si De Leon noong Deputy Director for Operations ng Police Regional Office 11. Ang ranggo noon ni Val ay colonel at bilang dating hepe ng Davao City Police Office at Davao Oriental Police Provincial Office, si De Leon ang nanguna sa binuong Special Investigation Task Group nang pasabugin ang night market sa lungsod noong 2 Setyembre 2016,  na ikinamatay ng 15 katao at 69 iba pa ang nasugatan.

Napahanga ang madla dahil naging masusi ang isinagawa nilang imbestigasyon. Dahil sa husay din magharap ng matitibay na ebidensiya, 11 suspects na  miyembro ng terrorist group na Maute Group ang nahatulang guilty ng Taguig Regional Trial Court sa maramihang pagpatay at multiple attempted murder.

Miyembro si De Leon ng  Makatao Class of 1989 ng Philippine Military Academy (PMA). Kaklase niya ang kapwa contender sa pagka-CPNP na sina PNP Deputy Director for Operations Maj. Gen. Rhodel Sermonia at CIDG chief Brig. Gen. Albert Ferro. Isa pang umuugong na papalit kay Eleazar si NRCPO chief Brig. Gen. Vicente Danao na miyembro ng PMA Sambisig Class of 1991.

Kamakailan, ang PRO3 na pinamumunuan ni De Leon ang tumanggap ng Best Police Regional Office sa buong Filipinas dahil sa hindi matawarang accomplishments ng heneral na dating aide-de-camp ni ret. CIDG chief at ngayo’y Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Ilan sa pinakamalaking accomplishments ng grupo ni De Leon ay nang mapatay ang apat na Chinese drug lords sa Zambales kung saan nakarekober ng mga awtoridad ang mahigit 500 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.5 billion.

Matapos ang matagumpay na operasyon noong 7 Setyembre, taong kasalukuyan, sa Bgy. Libertador, Candelaria, Zambales, nagkaroon pa ng sunod-sunod na pagsalakay sa Bataan, Cavite at ilang kanugnog na lalawigan.

Katuwang ng PRO3 sa operasyong ito ang National Intelligence and Coordinating Agency (NICA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dahilan din upang personal silang papurihan ni Eleazar.

Si De Leon ang kauna-unahang naging heneral sa kanyang batch at kahit noong police major pa lamang ay nahirang na rin ang grupong pinamumunuan niya bilang Best Regional Mobile Group of the Year noong 2006, na mismong ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagbigay parangal sa kanya.

Taon 2016, mismong ang Pangulong Duterte ang sumaksi nang hirangin naman si De Leon bilang Best Senior Police Commissioned Officer of the Year for Administration. Tumanggap din siya ng Gold Award mula sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa ginawang online at ‘no contact policy’ sa lahat ng nais mag-apply ng lisensiya ng baril.

Sinasabing ito rin ang dahilan upang masawata ang red tape at corruption sa mga transaction sa PNP Firearms and Explosives Office.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …