Wednesday , December 25 2024

Masyadong personalan, isantabi ng presidentiables

YANIG
ni Bong Ramos

ISANTABI muna ng ating presidentiables ang masyadong personalan laban sa isa’t isa partikular sa social media at iba pang media outlet.

Hindi pa man nagsisimula ang campaign period ay sobrang maaanghang na mga salita na ang maririnig natin na ipinupukol sa kani-kanilang mga kampo.

Harinawa’y makitaan sila ng magandang halimbawa ng publiko na bagama’t sila ay magkakatunggali ay may natitira pang respeto at

paggalang na makikita sa kanilang pagkatao.

Isang magandang halimbawa nito ang pagbati sa anomang okasyon gaya nang nagdaos si Yorme Isko Moreno ng kanyang kaarawan kamakailan. Ano ba naman na batiin siya ng maligayang kaarawan o happy birthday.

Kahit isa yatang kapwa presidentiable ay walang bumati. Sana naman sa ganito man lang kaliit na bagay ay makitaan at maramdaman ang isa’t isa.

Ang pagbati ay senyales ng pagbibigay pugay na hindi naman ikamamatay o magiging kabawasan sa kanilang kandidatura kung kaya’t nasabi nating huwag sanang masyadong mamagitan ang sobrang personalan.

Be a good sport, ‘ika nga na dapat lang magsimula sa kanila at iyon nga ang respeto sa isa’t isa at siyempre ay nandoon na rin ang kababaan ng loob o humility.

Ito ay simpleng pahiwatig lang na ang kanilang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa ay para sa kapakanan ng bayan at hindi sa pansarili nilang interes.

Magkakaiba lang naman siguro sila ng aspekto sa kanilang nais gawing palakad sa bansa ngunit siyento por siyento ay walang maghahangad sa kanila na mapariwara ang sambayanang Filipino.

Sa simpleng salita, iwasan muna ang mga personalang usapin na nagiging sanhi ng sobrang pamomolitika na puno’t dulo ng hidwaan at hindi pagkakaintindihan.

Sana’y hanggang matapos ang eleksiyon ay maging magkakaibigan pa rin sila na sumasalamin na isa silang tunay na lalaki hindi lamang bilang isang politiko.

Matutuhan sana nila ang simpleng pagbati sa isa’t isa sa anomang okasyon huwag lang sa obituary o requiem mass he he he. Mas maganda sigurong marinig sila habang buhay pa kaysa isang bangkay na, ‘di po ba?

Vox Populi, Vox Dei… ano man ang nakatakda ay nakatakda dahil the voice of the people is the voice of God.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayong lahat. Congratulations and may the best man win…

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …