Sunday , December 22 2024

Faith da Silva grabe ang pressure sa unang pagbibida

Rated R
ni Rommel Gonzales

INAMIN ni Faith Da Silva na nakaramdam siya ng matinding pressure para sa kanyang kauna-unahang lead role sa GMA series na Las Hermanas.

Sa isang press interview, ibinahagi ni Faith na nakaramdam siya ng pangamba sa lock-in taping dahil sanay siya na palaging kasama ang kanyang pamilya.

“This is my first project na lead talaga ako. Grabe ‘yung pressure para sa akin before going in. 

“But I am very grateful to Yasmien and Thea na kahit na naka-quarantine pa lang kami sa hotel, nagbi-video call kaming tatlo just to check if everybody is doing fine kasi malayo kami sa mga pamilya namin,” kuwento ni Faith.

“Habang tumatagal nang tumatagal ‘yung taping namin nawala sa isip ko ‘yung [pangamba] kasi naramdaman ko na with ‘Las Hermanas’ nagkaroon ako ng pamilya,” dagdag niya.

Sa Las Hermanas, ginagampanan ni Faith ang karakter ni Scarlet Manansala, and bunso na bibo, fashion-conscious, at nangangarap na maging isang influencer.

Ilan pa sa mga kasama niya sa serye ay sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Albert Martinez, Jason Abalos, Rita Avila, Leandro Baldemor, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeline Nicolas, Rubi Rubi, at Melissa Mendez.

Napapanood ang Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …