MA at PA
ni Rommel Placente
AMINADO si Sylvia Sanchez na noong una ay hindi siya sang-ayon o tutol siya na pasukin ng anak niyang si Arjo Atayde ang politika. Pero ngayon, handa niyang ibigay ang buong suporta kay Arjo na tatakbong congressman sa district 1 ng Quezon City.
Sabi ni Sylvia sa zoom media conference para sa Huwag Kang Mangamba, ”Actually, kung ako ang tatanungin, ayoko. Alam ng anak ko ‘yun at alam ni Enchong (Dee) ‘yun. Nag-uusap kami riyan ni Enchong.
“Ayoko, pero gaya nga ng sabi ko, anak ko ‘yan, eh. Wala akong magawa kundi suportahan na lang ang anak ko.”
O ‘di ba, hindi hahadlang si Ibyang sa pangarap ng anak na maging isang politiko.