I-FLEX
ni Jun Nardo
UM-EXIT na si Aiko Melendez sa lock in taping ng Kapuso searies na Prima Donnas 2.
Walang sinabing rason si Aiko sa pag-alis sa taping ng season 2 ng Kapuso series. Pero ang hinala ng marami ay may kinalaman ito sa pagtakbo niya bilang kongresista sa isang distrito sa Quezon City.
Nagpasalamat si Aiko sa lahat ng kasama niya sa series lalo na sa director nitong si Gina Alajar na naging “ama” niya nang yumao ang stepfather niya.
Mapapanood pa rin naman si Aiko sa unang bahagi ng Prima Donnas 2 sa character niyang si Kendra pero hindi rin siya magtatagal sa programa