Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaira Diaz, Mikoy Morales, Ruru Madrid

Role ni Shaira sa Lolong binago

Rated R
ni Rommel Gonzales

NABAGO ang role ni Shaira Diaz sa Lolong. Kung noong una ay isang assassin siya, ngayon ay hindi na.

“Major change po siya so, nawala na po ‘yung assassin na role. Ngayon po ako rito si Elsie na simpleng tao lang, walang powers, pero matapang, one of the boys and may paninindigan po.”

Hindi naman nagdamot si Shaira na sumagot nang tanungin namin tungkol sa kanyang personal life.

Gaano kasaya ang personal niyang buhay in a scale of 1-100 percent?


“One hundred percent! Masayang-masaya po, masayang-masaya.

“Stable pa rin po, ganoon pa rin, happy pa rin kami ni Edgar. Pareho kasi kaming may shows so, nakatutuwa kasi parehas kaming busy kahit na pandemic.

“Priorities lang po talaga, eh.”

Boyfriend ni Shaira si Edgar Allan Guzman na napanood naman kamakailan sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

And speaking of the pandemic, kapag natapos na ito, saan unang gustong pumunta ni Shaira at bakit?

“Sa US. Gusto ko po ulit bumalik sa US para kasing gusto ko na siyang maging ano, parang every year gusto ko nakakapagbakasyon ako sa US kasama ‘yung mga tita ko, ‘yung family ko roon.

“So iyon po, after the pandemic siguro sa US po ulit.”

Noong 2020 ay hindi siya nakapagbakasyon sa Amerika dahil nga sa pandemya kaya umaasa si Shaira na late this year o sa taong 2022 ay makabalik siya roon. May mga kamag-anak siya sa Virginia at sa San Francisco. 

Habang hinihintay ang pag-ere ng Lolong, regular munang napapanood si Shaira sa I-Bilib tuwing 9:30 a.m., sa GMA kasama sina Chris Tiu at Roadfill Macasero na nagpapakita ng mga kagila-gilalas na eksperimento at kuwento tungkol sa science.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …