Saturday , November 16 2024
llegal quarrying tuloy pa rin (Raid sa Montalban, moro-moro) Edwin Moreno photo

LLEGAL QUARRYING TULOY PA RIN
Raid sa Montalban, moro-moro

BINATIKOS ng netizens at sinabing moro-moro ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa ilegal na quarrying site sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.

Nabatid na naunang nasamsam ng mga operatiba ang mga heavy equipment at produktong mineral na aabot sa P36.4 milyon habang nadakip ang 12 trabahador ng ilegal na quarry operation.

Sa ulat, kinilala ang mga naarestong trabahador na sina Ericson Cinco, Raul Garcia, Windel Bueno, Pablo Rimorin, Nico Yunapa, Roldan Bonife, Dexter Colas, Jojie Manzanillo, Albert Esto, Fernando Lopez, Randy Caganan, at Danieboy Alejandro, pawang mga driver at equipment operators.

Hindi binanggit kung sino ang may-ari ng kompanyang ilegal na nagka-quarry sa lugar.

Nakompiska ng magkasanib na Environment Crime Division (EMD) ng NBI ang 13 backhoe, tatlong bulldozer, isang drill rig, anim na dump truck, anim na conveyor belt, 40 cubic meters na manufactured sand, at 9,000 cubic meters extracted at liberated aggregates.

Nakatanggap ng impormasyon ang pamunuan na mayroong grupo na nag-o-operate ng ilegal na pagmimina at mineral extraction sa nabanggit na lugar.

Lumilitaw na wala umanong permit sa Mines and Geosciences Bureau at lokal na pamahalaan ng Rodriguez (Montalban), Rizal.

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang operasyon ng kagawaran.

Ayon kay Rodel de Viana, bakit hindi umano hinuli ang mismong operator dahil tuwing madaling araw ay punong-puno ng mga buhangin ang mga truck at kalbo na umano ang bundok dito.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7942 o Philippine Mining Act ang mga nadakip na suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …