Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

“LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng ganoong labanan.”

‘Yan ang isa sa mga pahayag ni Kylie Padilla para sa estranged husband n’yang si Aljur Abrenica noong nag-guest siya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA 7 noong Linggo (October 24). At ayon, kay Jessica, si Kylie mismo ang humiling sa kanya na interbyuhin siya tungkol sa mukhang umasim nang tuluyang relasyon nila ng aktor. 

Malakas ang loob ni Kylie na humarap sa hukuman kung idedemanda siya ni Aljur ng adultery dahil si Kylie naman umano ang unang nagtaksil sa sagrado nilang kasal. 

Lahad pa n’ya kay Jessica: “In my defense, while we were formally married, I never had any extra marital relationships with other men. That is my truth!

“Okay sana kung ginawa ko eh. I would say ‘I’m sorry!’ Pero hindi talaga eh, and that’s what they kept throwing at me. Paano ako aamin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa?

“Siyempre when you say ‘cheated,’ ang unang iniisip ng mga tao, nanlalaki. So talagang in their minds, talagang ginawa ko ‘yun. And may mga blind item that said that…”

Ano naman ang feeling ni Kylie kay AJ Raval na umaamin nang mag karelasyon ang dalawa? 

Deretsahang sagot ni Kylie: “I actually wanted to talk to her (AJ Raval) kasi napagdaanan ko rin ‘yan noong bina-bash ako dahil nililigawan ako. And I wanted to talk to her, to help her out na… on how to handle it para maiwasan lang ‘yung nangyari ngayon. But my help is not being asked, so I’m not going to give it na lang.”

Pero sa dulo ng interbyu, napakapositibo naman ng mensahe ni Kylie para kay Aljur. Proklama ng aktres na anak ni Robin Padilla“Huwag nating kalimutan to be parents sa mga anak natin and sana ma-save pa natin ‘yung friendship after this. And kung gusto nating mag-away, whatever, let’s do it in the right place. ‘Wag na sa public. ‘Yun lang ang hinihingi ko, please.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …