Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil kung maraming mga kaibigan at fans niya ang nasiyahan sa pagbabalita ng ukol sa kanilang engagement ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento, masmarami ang maiiyak at matutuwa.

Ang latest kasi’y tinanggap na ni Kris ang alok na kasal ni Sarmiento ayon na rin sa pagbibigay ng consent ng bunsong anak ng TV host-actress na si Bimby.

Si Sarmiento, 59, ay dating kalihim ng DILG sa ilalim ng administration ni dating President Noynoy Aquino. Rati rin siyang Congressman sa 1st district ng Samarat naging mayor ng Calbayog City.

Ayon sa tatay-tatayn ni Kris na si Dindo Balares, dating editor ng Balita“May kuwento siya sa akin, kasama sa sinabi niya na, ‘I said yes. With Bimb’s full consent, of course.”

Wow! Ang saya naman. At ang sunod na tanong naming ay kung pinaplano na alian kasal at kung alian ito magaganap.

Sagot muli ni Balares, “Wala pa pong date.”

So wait na lang tayo sa further announcement ni Tetay, for sure naman hindi nila iyon itatago dahil alam niyang marami ang naghihintay at masisiyahan sa pagharap niya sa altar kasama si Sarmiento.

Sa kabilang banda,  bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati ng mga kaibigan at fans kay Kris. Narito ang ilang mensahe ng mga kaibigang celebrities kay Kris.


“Wow!!!!! I was smiling the whole video!!!! So much love and happiness ate. You deserve all the happiness in the world ate. God really answers prayers in His own perfect time. Love you ate,”  mensahe ni Kim Chiu.

Sabi naman ni Anne Curtis, “Ate Kris, so happy for you!!!”

“Ate!” lang ang maikling post ni Angel Locsin kasama ang maraming red heart emojis.

Nagbigay din ng komento ang anak-anakan ni Kris sa showbiz na si Miles Ocampo na close kay Bimby. Aniya, “I love you, my nanay.”

“OMG. SO HAPPY FOR YOU KRISY!!!!!!” sey naman ni Darla Sauler.

 “Congratulations!” ang maikling sabi ni Bea Alonzo.

“Mare!!!!! So happy for you!” sambit naman ni Ogie Alcasid.

Marami pa ang bumati kay Kris tulad nina Mariel RodriguezPokwang, Alex Gonzaga, Moira dela Torre, Jinkee Pacquiao, Rabiya Mateo, Carmina Villaroel, Angeline Quinto, Vina Morales, K Brosas, Neri Naig, Cheska Kramer, Geneva Cruz, Gladys Reyes, at LJ Moreno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …