Saturday , November 16 2024
arrest, posas, fingerprints

Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur

NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang isang 54-anyos lalaking itinuturing na Top 1 most wanted person (MWP) may nakasam­pang kasong Parricide.

Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naarestong suspek na si Alfonso Sto. Domingo, residente sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, sa lungsod ng Pasig.

Nabatid na dakong 1:00 pm nitong Huwebes, 21 Oktubre, nang masukol ng mga tauhan ng warrant section ang suspek sa Brgy. del Rosario, sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur.

Inihain ng mga tauhan ng EPD – Special Operation Unit at District Intelligence Unit (DIU) ang warrant of arrest na nilagdaan ni Presiding Judge Nicanor Manalo, Jr., ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 161, may petsang 10 Disyembre 2020, sa kasong Parricide, may Criminal Case No. R-PSG-20-02557-CR.

Nauna rito, nagsa­gawa ng serye ng surveillance at back­tracking operation upang matiyak ang pinagtata­guan ni Sto. Domingo bago siya inaresto.

 (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …