Friday , April 4 2025
Pandi Bulacan DSWD LAG

Sa Pandi, Bulacan
AYUDA NG LAG KINOLEKTA NG ‘DI-REHISTRADONG KOOPERATIBA

INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Magic 7 Cooperative na nakabase sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, na ibalik ang mga kinolektang pera na nagkakahalaga ng hanggang P10,000 sa bawat benepisaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG).

Ang LAG ay ang P15,000-ayuda ng pama­halaan kada kalipikadong indibiduwal na naapek­tohan ang hanapbuhay dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Inihayag ito ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner at Spokes­person Atty. Yvette Contacto sa isang virtual press conference noong nakaraang Miyerkoles, 20 Oktubre.

Ani Contacto, sa ginawang pagdinig ng Task Force LAG kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), ipinatawag nila ang Magic 7 Cooperative na pina­mununuan ng isang Nick Cabias, ang DSWD, lokal na pamahalaan ng Pandi, at mga nagrereklamong benepisaryo upang ilatag ang kanilang mga panig.

Dito inamin ni Cabias na hindi pa rehistrado hanggang sa kasalukuyan ang kooperatiba at nango­lekta ng P5,000 hanggang P10,000 mula sa LAG beneficiaries.

Lumabas din sa imbes­tigasyon, batay sa DSWD Memorandum Circular No. 19 series of 2020, nakalaan bilang individual benefit ang LAG na taliwas sa ginawang pangongolekta ng Magic 7 Cooperative na ang intensiyon ay gawin itong livelihood program ng kanilang mga miyembro.

Kasunod nito, inatasan ng DSWD ang Magic 7 Cooperative na ibalik ang mga kinolektang pera mula sa mga benepisaryo ng nasabing ayuda.

Napag-alaman din ng PACC na kumolekta ang kooperatiba ng pera sa 1,000 indibiduwal mula sa 3,500 LAG beneficiaries sa nabanggit na bayan.

Sa kasalukuyan ay hinihintay ng PACC ang mga ipinasusumiteng ulat mula sa DSWD at imbes­tigasyon ng NBI bago sila maghain ng pinal na rekomendasyon sa tangga­pan ni Pangulong Rodrigo Duterte o magsampa ng kaso sa Ombudsman.

Samantala, inaasahan ni former PACC Chief Greco Belgica na kagyat na matatapos ang pagdinig ng Task Force LAG hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.

Matatandaang itinatag ni Belgica ang Task Force LAG noong siya pa ang namumuno sa ahensiya para sa mabilis na pagdinig sa reklamo ng mga bene­pisaryo na dumulog sa kanilang ahensiya.

Ani Belgica, masusi ang ginagawang imbesti­gasyon dito ng PACC upang tumindig sa huku­man ang kaso at mapa­rusahan ang mga posibleng gumawa ng katiwalian at hindi ito maibasura lamang sa kalaunan.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …