Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cindy Miranda, Sunshine Guimary, House tour

Sunshine Guimary at Cindy Miranda, nagpatalbugan sa House Tour?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAPWA umaapaw sa hotness at palaban sa hubaran sina Sunshine Guimary at Cindy Miranda. Tampok ang dalawa sa pelikulang House Tour, na ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula ngayong 22 Oktubre 2021.

Ang House Tour ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr.

May patalbugan bang nangyari kina Sunshine at Cindy sa pelikulang ito?

Esplika ni Cindy, “Sana walang comparison, kasi iba talaga ‘yung ibinigay namin dito ni Sunshine. Of course, pareho kaming nagbigay talaga ng best namin dito. Nakita ko talaga kay Sunshine na talagang she’s very serious sa acting niya and I really appreciate that, of course… and I’m happy for her.”

Saad ni Cindy, “Tungkol sa poster, ‘yun nga po, ang itsura ng poster ay parang nagko-competition ‘yung dalawang babae. Pero wala pong competition talaga, so mare-realize n’yo after watching the movie, it’s not really about the competition.

“Pero ibibigay ko po talaga kay Sunshine iyong pagiging sexy. Hindi po ako magko-compete roon, kasi talagang si Sunshine po, napaka-sexy niya talaga.”

Wika naman ni Sunshine, “Wala namang patalbugan sa House Tour, siguro trabaho lang talaga siya. May fight scene kami, siguro may mga part doon na talagang may competiton sa dalawang female. But the point… hanggang character lang talaga siya.”

Idinagdag ni Sunshine, kung kailangan niyang maghubad sa anumang eksena, hubad na agad ang ginagawa niya. “Sa pagpapa-sexy naman, ako, kung ano lang talaga ang kailangan as my character sa House Tour, walang maraming kung ano, take it off, para matapos na tayo, ganoon lang kabilis,” nakangiting saad niya.

Huwag palagpasin ang House Tour. Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari rin mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayroon pang hot price na P29 lang at may 3-day access na sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …