Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano sa Palagay N’yo

Ali Sotto ‘di pa rin maiwan ang broadcasting

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PARANG panahon ngayon ng mga tambalang babae-sa-babae.
           Not necessarily romantic pairing sa isang pelikula o serye. Mayroon ding collaboration lang sa trabahong nasa labas ng showbiz para mapaiba sa ordinaryo na, o palasak na. 

Ang isang tambalang babae-sa- babae na kolaborasyon sa trabaho ay ang kina Ali Sotto at Pat-P Daza bilang hosts ng Ano sa Palagay N’yo? na magsisimulang itanghal sa Net 25 TV ngayong Lunes lang, October 18, from 8:00 a.m. to 10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes ang programa na ibu-broadcast din sa Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5. 

Tungkol sa public issues ang programa. Paliwanag ni Pat-P: ”I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least mayroon tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari.” 

Punto naman ni Ali: ”Gagawin namin ang talakayan sa paraang ‘di mauuwi sa mas matindi pang disunity ng mga Pinoy. Iba’t ibang kulay ang iginigiit natin ngayon. May pink, may green, may blue, kung ano-anong kulay. 

“Okey lang ‘yung may sari-sarili tayong kulay, pero huwag tayong mag-away-away, huwag tayong magkawatak-watak. Iisa lang ang bansa nating lahat.”

Magkakilala naman sina Ali at Pat-P pero ngayon pa lang sila magiging magkatrabaho. Dating identified si Ali sa DZBB ng Kapuso Network samantalang si Pat-P naman ay sa DZMM ng Kapamilya Network

Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan, sabi nga nina Ali at Pat-P na parehong mga misis at ina, kaya’t may perspektibo silang iba sa mga lalaking may commentary programs din sa teleradyo. 

Mapapanood din ang Ano sa Palagay N’yo? sa YouTube channel at Facebook page ng programa. 

Oo nga pala, akala ni Ali ay talagang magri-retire na siya from broadcasting. Masaya na nga siyang nagbe-vegetable gardening.

Pagtatapat ni Ali sa Kada Umaga”Pero naka-receive ako ng call mula sa kauna-unahang network executive na nagbigay sa akin ng break na maging broadcaster dahil sa paniniwala n’yang kakayanin ni ko ‘yon. 

“That was 17 years ago sa isang network. So how can I say ‘no’ to her.” Excited naman siya na ang makatalakayan n’ya sa Ano Sa Palagay N’yo? ay si Pat-P na may karanasan na rin naman na mag-host ng programang tumatalakay sa maiinit na isyus sa iba’t ibang aspeto ng buhay

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Breaking The Silence

Breaking The Silence napapanahong pelikula

DAPAT suportahan at panoorin ang pelikulang Breaking The Silence ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa napakahusay ng mga …

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …