Thursday , December 19 2024
Yasmien Kurdi

Yasmien aminadong naging pasaway

Rated R
ni Rommel Gonzales

TATLONG beses na lock-in taping na ang na-experience ni Yasmien Kurdi.

“I did two shows already –‘I Can See You (The Promise)’ and ‘Las Hermanas.’ But all in all 3 lock-in tapings na po kasama itong sa ‘Magpakailanman.’”

Isang drug addict na nagbago si Yasmien sa two-part na bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story.

Ano ang mga challenge kapag naka-lock in taping? Paano niya nao-overcome ang mga challenge na ito?

“Una sa lahat ay wala ka sa family mo. Nandoon ‘yung feeling na ‘so near yet so far.’ 

“Parang hindi mo kontrolado ang nangyayari sa loob ng pamamahay mo. But eventually you get over it kapag busy ka na. For me mas mahirap ‘yung quarantine part compared doon sa actual taping days. 

“Marami ka kasing idle moments kapag quarantine, so maraming bagay ang tumatakbo sa isip mo. Pero kapag taping days na busy ka na, so nalilimutan mo na ang lungkot. 

“Malaking tulong din talaga ‘yung technology nowadays kasi kaya mong mag-update sa bahay, most specially sa anak ko, anytime of the day.”

Sa Magpakailanman ay unang beses ni Yasmien na gumanap bilang isang adik.

“Yes, first time ko po na mag-portray na isang drug addict sa palabas. Nag-usap po kami ng personal ni direk Elaine, ang character ko, at nai-share niya ang mga epekto sa kanya ng illegal drugs noon. 

“Direk Adolf also assisted me sa execution ng character na lulong sa droga.

“Ang peg ko naman ay mga pasyente ko before noong ako ay nag-aaral pa ng Nursing. Doon ko kasi nakita sa kanila ang after effect ng drugs, ang mga sintomas ng drug withdrawal, at mannerisms kahit na sila ay malinis na,” kuwento ni Yasmien. 

Bahagi rin ng true story ni Elaine (na bukod sa pagiging singer ay naging direktor din sa ilang TV and film projects) ang pagiging isang rebellious young woman.

Naging rebelde ba si Yasmien noong dalaga pa siya? Ano ang pinaka-rebeldeng nagawa niya noon sa mga magulang mo?

“I would not say na nagrebelde ako. I think more of doon sa naging ‘pasaway’ lang. I guess may stage talaga tayo sa buhay natin na ganoon,” sagot ni Yasmien. “Pero it also depends din sa sitwasyon mo. Like for me, at a young age, I need to support myself. So kanino pa ba ako magrerebelde, sa sarili ko?

“At a young age, I was given the opportunity to build my own career nang sumali kami sa ‘StarStruck,’ which I was very thankful for kasi parang doon nabuhos lahat ng energy ko.”

Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr., sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca, bukod kay Yasmien (as Elaine), mapapanood din sa fresh episode na ito ng Magpakailanman sina Marlon ManceGilleth Sandico, at JC Tiuseco.

Eere ang part 2 nito ngayong October 16, Sabado, 8:15 p.m.. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …