Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Xmas tree

Jennylyn bumangon na, pero halata pa ring galing sa sakit

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

NAGSIMULA na uling mag-post sa kanyang Instagram  si Jennylyn Mercado. Bumangon na siya mula sa banig ng karamdaman, ‘ika nga.

Advance Christmas pics sa Christmas tree nila ng live e-in boyfriend n’yang si Dennis Trillo ang ipinost n’ ya.

Sa picture nila na lumabas sa isang broadsheet, halatang galing sa sakit si Jennylyn. At bigla siyang nagmukhang nanay. Bagama’t nanay na nga siya ng anak nila ng ex-boyfriend n’yang si Patrick Garcia, mukhang dalagang-dalaga pa rin siya bago siya nagkaroon ng medical emergency na nagpatigil sa lock-in taping ng Kapuso serye na Love. Die. Repeat.

Kung di naman pagdadalantao ang “karamdaman” ni Jen, nawa ay gumaling na siya nang lubusan para bumalik ang alindog n’ya na mukhang dalagang-dalaga pa rin. Magtapat na sana ng katotohanan ang lahat ng may kinalaman at maaapektuhan ng kung ano mang karamdaman o kalagayan si Jennylyn. To God be the Glory, ‘di ba? 

Dahil nabimbin na rin lang ang pagpapalabas ng serye nila ni Xian Lim, sana nga ay palitan na ang titulo nito. Naiintidihan naman ng ilan na figurative ang paggamit ng “die” sa titulo, pero parang ‘di talaga kaibig-ibig ang energy/vibes ng “die.” Okey naman kung ang gamitin nila ay Love. Live. Repeat.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …