SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KAHAPON, naisulat natin ang pagpalag ni Mikee Morada, mister ni Alex Gonzaga sa tinuran ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ukol sa balitang nakunan ang kapatid ni Toni Gonzaga. Kasabay ang paghingi ng respeto at pagpapahayag ng saloobin.
Kahapon, sinagot ng talent manager ang tinuran ng mister ni Alex sa pamamagitan ng 2 parts post nito sa kanyang Instagram account na @akosilolitsolis.
Ani Lolit, hindi niya ginustong maka-offend o makasakit ng tao. Kaya naman kung may nasaktan siya, humihingi siya ng sorry.
Aniya sa kanyang IG post, “Salve at Gorgy, gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin. I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon. Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life. Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lock down, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng presscons, nag enjoy ako sa IG. Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa narin column ni Salve. Never ever ko nasa isip ma may masaktan , ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM. Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko. If I have offended, o may nasaktan dahil dito, I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon. So far, naging mabuti ang propesyon ko sa akin. Lahat ng dreams ko na hindi ko akalain makukuha ko, ibinigay sa akin. Forever grateful and thankful sa lahat ng blessings. Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo , I agree. Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem. Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko. Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko. Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama. They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin. What is important is umabot ako sa edad na ito na hangga ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami parin nagri react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo. Di ba dapat keber na sana sila sa akin ? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin ? Hindi ba dapat persona non grata na lang ako ? may karugtong)”
Sinabi pa ni Solis na ine-enjoy niya ang pagpo-post o pagsusulat sa IG bilang iyon ang paraan niya para magkaroon ng mental exercise.
Nakiusap pa siyang ‘wag namang bigyan ng mga netizen na nagko-comment ng malice ang mga isinusulat niya sa IG.
“Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance ? Hindi ko talaga makuha ang logic. Ako si Lolita Solis na gusto gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito ? Wala akong intention to hurt or cause pain. So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa. For the people na sobra naman negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita nyo rin how Alex Gonzaga husband handled the matter. Sana , bashers can use more respectable words, puwede naman magalit ng sosyal parin ang dating, mukhang edukado parin . Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganuon din di ba ? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko, hah hah. Kasi ang sarap basahin pag constructive ang comment, maganda language ginagamit. So, ok, tanggap ko narin, sabi nga nila , I don’t deserve respect , pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila. Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang mga bashers ko, bow !!”