Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame, Rodrigo Duterte

Willie kahanga-hanga ang ‘di pagpasok sa politika

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SOBRA kaming napahanga ni Willie Revillame nang mapanood namin noong Thursday sa Wowowin ang mahalaga niyang announcement, ang ‘di pagpasok sa politika.

March pa pala nang ipatawag siya ni Pangulong Duterte sa Malacanang para hikayatin siyang tumakbong Senador sa 2022 election. Mula noon ay masusing pinag-aralan ang alok na ‘yun at humingi siya ng payo sa mga malalapit na kaibigan.

Wala namang pagpipilit at malaya siyang magdesisyon.

Hanggang noong Thursday ng umaga ay tinawagan siya ni Sen Bong Go at ipinanood sa kanya ang video message ng Pangulo na naghihintay ng desisyon niya. Pero napag-isip-isip niya na parang hindi niya kakayanin ang pasukin ang politika na wala siyang kaalam-alam.

Hindi siya bihasa sa Ingles at hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Baka laitin lang daw siya roon (Senado). At nakikita niya ang mga bangayan at away ng mga politiko at hindi ang taumbayan ang main purpose nila. Kaya nadidesmaya siya.

Ani Willie, sa Wowowin ay marami siyang natutulungan. Marami siyang sinabi na sa tingin naming ay maraming politikong tinamaan. Kaya lalong hinangaan ng buong sambayanan ang maikling speech niya noong hapong iyon na nangangaral siya sa mga politikong mali ang ginagawa.

Mabuhay ka Willie!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …