HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NASA panahon na naman tayo kung saan sinisimulan na tayong bigyan ng “choices” o pagpipilian ng mga taong nanaisin nating magsilbi sa atin mahaba-habang termino.
Sangkaterba ang nagnanais na tumakbo at nagrarambulan para makakuha ng puwesto sa kanilang pinupuntirya.
Hindi ligtas dito ang pamilya Sotto.
Nagbigay ng saloobin niya si Ciara, anak ng tumatakbo sa pagka-Pangalawang Pangulo na si Tito Sen (Tito Sotto) dahil hindi na nito maatim ang inaabot na pagtuligsa sa pamilya nila.
Ito ang ilan sa mga sinabi ni Ciara sa isang panayam sa kanya.
“I have always been quiet, ignoring negative, mean and slanderous comments about my Dad made by judgmental people, whether I know them personally or not, as if they know everything and us very well.
“I prayed if I should voice out my true emotions when asked about Kuya Kiko running against Dad for VP…
“I cried because I am so hurt and disappointed.
“It made me feel that my parents were of no value after all. Ate has always been considered and treated like a daughter by my Dad and especially my Mom.
“I will continue to pray for them, and of course, for my Dad and his protection, wisdom, discernment, and I Praise and Thank God for giving me him as my earthly father.”
Idagdag pa rito ang nakikita ng pagwawatak-watak ng kanilang angkan.
Tatakbo rin sa parehong puwesto ang Tito Kiko Francis Pangilinan niya. Na asawa ng Tita Sharon Cuneta niyang super close, hindi lang sa kanya kundi sa pamilya nila.
Kaugnay dito, ang anak ni Vic Sotto na si Paulina ay nagpahayag na rin ng sariling opinyon patungkol sa nangyayari sa kanila.
Saad nito in her IG Post: ”FYI: You are not obliged to support or promote someone simply because you are related to them or have connections to them. Enough is enough. It’s time to FOCUS on what our country NEEDS. #LetLeniLead,” ang naghuhumiyaw na kulay pink sa background ng kanyang tinuran.
Senyales na ba ito ng tuluyang pagwawatak-watak ng angkang Sotto dahil lang sa politika?
Hinihintay pa ang magiging pahayag ni Mega sa bagay na ito.
For sure, may kimkim din sa kanyang puso ang maybahay ni Tito Sen na si Tita Helen. Pero sa kalagayan ng kalusugan nito ngayon, hindi rin magandang sandali para siya pa ang magbigay ng mga salita sa mga nangyayaring ito sa kanilang pamilya.
Ano ba ang ipinahihiwatig ng nalalapit na halalan? Nasaan ang inaasam na pagkakaisa kung mismong nagkakalayo ang magkakadugo?
Wala namang problema kung hindi magkapare-pareho ng choices. Normal ‘yun. Pero ang hindi maganda eh, ang mga bangayan na wala na sa lugar.
Parang nawala na rin ang respetuhan. Nangibabaw na rin ang pansariling mga kagustuhan.
Saan na nga ba tayo patutungo?