Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joed Serrano

Joed Serrano isusulong ang karapatan ng mga ka-uri

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAG-FILE na rin ng kanyang CoC ang aktor-producer-philanthropist at openly gay na si Joed Serrano.

Inusisa ko naman siya kung bakit bigla siyang nagdesisyon na sumalang na rin sa politika.

“Noong maikuwento sa akin ng kaibigan kong bakla na pinag-iwanan siya ng isang baby ng pabayang mag-asawa & inalagaan, minahal, pinalaki niya ito na parang tunay na anak.

“Tapos after 5 yrs. kinuha na lang bigla sa kanya ng ina. Halos mabaliw ang bakla sa pagka-miserable. May puso at damdamin kaming mga bakla. 

“So, nais kong gamitin ang boses at kakayahan ko para maisulong ang karapatan naming mga uri. 

“At nais ko ring mapagkaisa ang bayan. Tama na ang iba’t ibang kulay na naghahati sa mga Filipino. 

“Dilaw, pula, asul, puti, pink, green. Gawin nating isa ang lahat ng ‘yan. RAINBOW COLOR is the new color of Unity & Equality.. time to be recognized. Time to get out. Time to be heard kaya, Lets Get Loud & Let the GAY begin sa senado!”

Bukod sa Universe, mabulabog kaya ang Senado sa presence ni Joed sa sandaling maluklok ito sa tinatarget na posisyon?

Ang Senado ang kapulungang tagapaglagda ng mga batas sa ating bansa.

Bukod sa mga nasabi na niya, ano-ano pa kayang mga batas ang maipanunukala ni Joed sa sandaling maluklok siya sa sangay na ito ng ating pamahalaan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …