Thursday , December 26 2024
Rodrigo Duterte, Bongbong Marcos, Sara Duterte

Digong ‘nega’ kay BBM bilang tandem ni Sara

AYAW ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te na maging running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang anak ng diktador, talunang vice presidential bet at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Inihayag ito ni Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Duterte.

“Sa tingin ko, base sa nababalitaan ko, ayaw ni Digong na ang magiging tandem ay Sara Duterte-Bongbong Marcos, ayaw n’ya ‘yan,” aniya sa panayam sa The Chiefs sa OneNewsPh.

Hindi aniya gusto ni Pangulong Duterte na madamay si Sara kay Bongbong at maging target ng kritisismo ng oposisyon kaya dapat ay hiwalay na tumakbo ang alkalde.

“First, mana-narrow ang target. Duterte-Marcos isang slate, mana-narrow down ang target ng opposition doon sa kanilang dalawa. Gusto niyang maghiwalay para hindi mapupuruhan si Sara sa (mga) criticisms. Halimbawa ‘yung martial law babies and even ‘yung millennials na opposition ay sino ba ang i-prioritize sa criticisms between Sara and Bongbong? Sa tingin nila ang ipa-prioritize sa criticisms ay si Bongbong not Sara. So medyo malilibre si Sara and ‘yun ‘yung parang isa sa (mga) reasons na ayaw nilang maging vice ni Sara si Bongbong. Pero, on the other hand kung titingnan mo, no love lost,” aniya.

Kombinsido si Parreño na may kimkim na sama ng loob si Digong laban sa mga Marcos nang traydorin ang kanyang amang si Vicente noong 1967 elections nang matalo matapos ilaglag ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang Davao congressional bet at inendoso ang katunggali niyang si Artemio Loyola.

Pinagsabong umano ni Marcos bilang presidente ng Nacionalista Party sina Vicente at Artemio na parehong miyembro ng partido.

Namatay aniya sa sama ng loob si Vicente matapos ang halalan.

“Doon sa libro ko actually ang ini-stress ko roon, isa sa mga passages ko roon ay may kinalaman doon sa decision na hindi suportahan ng Nacionalista Party si Vicente Duterte kaya natalo (ito). May kinalaman si Ferdinand Marcos kaya actually namatay ang tatay ni Digong dahil sa sama ng loob iyon, na trinaydor siya ng Nacionalista Party at ang leader ng Nacionalista Party ay si Ferdinand Marcos,” ani Parreño.

Binola lamang aniya ni Digong ang mga Marcos para gamitin ang boto ng Solid North noong 2016 presidential elections

“Ang solid north, noong panahong iyon ay Marcos, mahalaga sa boto niya iyon. Politics naman is always addition so winin-over niya iyon. Of course mga bola-bola na lang niya iyong ang laki ng tulong ng mga Marcos sa election. Ang pagkakaalam ko walang ibinigay na significant amount of money si Imee sa kanila. Maski tanungin mo ‘yung nagtrabaho, ‘yung core ng campaign na ‘yun, hindi significant ang amount na ibinigay ng mga Marcos sa kanila and yet publicly sinasabi ni Digong na malaki,” giit ni Parreño.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …