Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado

GMA tahimik sa ‘medical emergency’ ni Jennylyn

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

HABANG isinusulat namin ito, wala pang official statement ang GMA 7 tungkol sa kalagayan ni Jennylyn Mercado at ng series na Love, Die, Repeat na ang lock-taping ay itinigil dahil kinailangan ipaambulansiya si Jen dahil umano sa “spotting.”

Actually, ni hindi ang Kapuso Network ang nagbalita sa paghinto ng lock-in taping noong huling lingo ng September. Ayon sa ilang katoto  sa panulat, anim na araw na lang na trabaho ang kailangan para matapos ang taping ng serye. Hindi na nga raw naituloy dahil nga sa “medical emergency” ni Jennylyn. 

That means, ang dami nang masasayang na mga eksenang nakunan kung papalitan nila si Jennylyn at uulitin ang lahat. Biglang naglabasan ang mga report na ‘di raw papalitan ang lead actress ng serye at hihintayin na lubusang gumaling at safe nang magtrabaho. 

And yet ‘di rin official statement buhat sa Kapuso Network ang mga pa-sweet na write-up’s na di papalitan si Jennylyn sa cast ng show. 

Si Becky Aguila lang bilang manager ni Jennylyn ang naglabas ng  “misteryosong” official statement na in good condition na ang aktres. 

“Misteryoso” dahil, ayon nga isang website reporter, “in good condition from what?” From being pregnant?

Walang sino mang maituturing na official source ang umaamin o tumatanggi na “pregnant” si Jennylyn. Si Jennylyn mismo ay walang inilalabas sa Instagram n’ya na pag-amin o pagtanggi na nagdadalantao siya. 

Kahit si Dennis Trillo ay wala ring kibo tungkol sa issue na buntis ang walong taon nang girlfriend n’yang si Jennylyn. Nitong mga nakaraang buwan, may mga post sila na parang nagli-live in sila. 

At dahil walang official statements at updates tungkol sa kalagayan ni Jennylyn at ang status ng relasyon niya sa Kapuso Network ngayon, patuloy ang espekulasyon ng showbiz media at ng ilang marurunong o nagdudunong-dunungang netizens. 

Sakaling buntis nga raw si Jennylyn, posibleng may kondisyon sa kontrata n’ya na bawal ‘yon, lalo pa’t kung sa gitna ng isang proyekto nagaganap ang pagdadalantao. Makakasagabal sa pagtatapos ng proyekto ang pagdadalantao. 

Kung nanahimik ang lahat ng ng major personalities and establishments na apektado ng posibleng pagbubuntis ni Jennylyn, maaaring tahimik nang nag-uusap-usap ang lahat, kasama ang kanilang mga abogado. Hindi naman siguro nila gugulatin ang madla sa biglaang pagsasampa ng kaso laban kung kanino o kani-kanino.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …