Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando, Willy Alvarado, Bulacan

Fernando vs Alvarado sa Bulacan gubernatorial race, tuloy na (Dating magka-alyado)

KASABIK-SABIK ang magiging tunggalian ng dalawang respetadong politiko sa lalawigan ng Bulacan makaraang kapwa maghain ng kandidatura sa pinakamataas na posisyon sa kapitolyo ang dating magkasangga sa politika.

Nauna nang nagpahayag ang premyadong aktor na si re-electionist Governor Daniel Fernando na mananatiling gobernador ang tatakbuhin para sa nalalapit na 2022 national and local elections sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

Samantala, ang dati niyang kasanggang si incumbent vice governor Willy Alvarado, unang termino pa lamang sa pagkabise-gobernador mula sa partido ng NUP ay ‘nag-ober de bakod’ at napilitang umanib sa Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at tatapatan si Gob. Fernando para sa gubernatorial race sa nasabing laalwigan.

Nitong Miyerkoles, 6 Oktubre, pormal na naghain ng kanilang certificates of candidacy (COCs) sina Alvarado at ang makakasama niya sa PDP-Laban na si former governor Jonjon Mendoza para gobernador at bise gobernador.

Dahil naka-home quarantine matapos magpositibo sa CoVid-19, kinatawanan ang bise gobernador ng kanyang kabiyak na si dating congresswoman Marivic Alvarado sa paghahain ng COC.

Naghain din ng COC sa ilalim ng PDP si Congressman Jonathan Sy-Alvarado para sa Unang Distrito ng Bulacan kasama sina Board Member Mina Fermin at Allan Andan gayondin si Anjo Mendoza para naman sa 5th District.

Magugunitang sa kalahatian pa lamang ng unang termino ni Fernando bilang gobernador ay kinakitaan ng unti-unting paglayo si Alvarado sa matagal na panahong pinagsamahan ng dalawa bilang mag-partner sa paglilingkod sa kapitolyo.

Nabatid na makailang-ulit sinubukang kausapin ni Fernando ang bise gobernador na tila sabik makabalik sa dati niyang puwesto bilang gobernador upang huwag silang magbanggaan sa darating na halalan.

Kasabay ng tuluyang pagtalikod ni Alvarado kay Fernando ay niyakap at tinanggap muli ng beteranong politiko ang noo’y katunggaling si former governor Jonjon Mendoza na magiging tandem para bise-gobernador.

Samantala, makakalaban ni Mendoza ang aktor na si Board Member Alex Castro bilang pangalawang punong lalawigan.

Ang tambalang Fernando-Castro ang tinaguriang “young bloods” versus Alvarado-Mendoza na tinagurian namang “veterans” dahil sa kanilang mahabang tahid sa larangan ng politika.

Sinasabing malaki ang advantage ng Fernando-Castro dahil bukod sa mga sikat na artista ay kapwa sila tinangkilik ng mga Bulakenyo sa mahabang panahon ng paglilingkod bilang mga serbisyo publiko, bentaha na rito ay ang millenials at mga bago at batang mga botante.

Ayon sa mga political analysts sa Bulacan, unti-unti nang nagsasawa ang mga botante sa mga matatanda nang politiko na anila’y mga ‘trapo’ at matatamis lamang magsalita kapag malapit na ang eleksiyon pero kulang na kulang naman sa gawa.

Napag-alaman sa source, nakuha ni Fernando ang mataas na rating o winnable advantage laban kay Alvarado dahil sa ipinamalas niyang sipag at maayos na paglilingkod sa kanyang unang termino. (MICKA BAUTISTA).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …