Sunday , November 24 2024
arrest, posas, fingerprints

2 tulak, arestado sa Manda

NADAKIP ang dalawang hinihinalang tulak sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad, sa lungsod ng Mandaluyong, nitong Miyerkoles, 6 Oktubre.

Kinilala ng pulisya ang dalawang arestadong suspek na sina Rommel Paglinawan, 48 anyos; at Fatima Gorospe, 32 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Poblacion, sa lungsod.

Nabatid na dakong 11:20 pm, kamakalawa, nang nagkasundo ang police poseur buyer at mga suspek sa halagang P35,000 shabu.

Aktong iniaabot ni Paglinawan nang sumingit si Fatima hawak ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, dahilan para arestohin ng mga operatiba ang mga tulak.

Nakuha mula sa mga suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000; 0.2 gram ng hinihinalang shabu may kantidad na P1,360; isang cellphone, P1,000 buy bust money at 34 piraso ng boodle money. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …