Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Luigi Gomez, Kate Jagdon

MUPH  Bea Luigi kagiliwan kaya ng madla?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

HINDI mga pangka­rani­-wang tao ang judges na pumili kay Bea Luigi Gomez na maging bagong Miss Universe Philippines at kasabay ng pagbabalita ng traditional media at social media sa pagwawagi niya ay ang pagbabando na miyembro ito ng LGBT.

Sa makalumang pananalita, “lesbiyana” o “tomboy” (o “tibo” sa salitang kanto).

Tanggap na tanggap kaya si Bea ng madla na ‘di bahagi ng sosyal at glamorosang mundo na ginagalawan ng mga hurado sa MUP na sina Vicki Belo, Sam Versoza (na LGBT member din), Hilton Manila commercial director Joanne Golong-Gomez, fashion designer Jojie Lloren, at Roku Group CEO Sheila Romero

Tanggap kaya siya ng mga labandera, burdadera, o magbubukid, mangingisda, karpintero, at latero? Tanggap kaya siya ng mga titser, doktor, nurse, sales clerks, food delivery boys? 

Sakaling maging endorser si Bea ng alak na pangmasa at namigay ng mga poster n’yang naka-bikini siya, idikit kaya ng mga tomador sa kuwarto nila ang poster para makaniig sa mga gabi ng kalanguan at pagnanasa? 

Ayon nga pala sa isang lalaking electrician na nakakuwentuhan namin tungkol sa kasarian ni Bea, kaibig-ibig naman si Bea sa sexy pictures n’ya basta’t ‘di n’ya kasama sa litrato ang girlfriend niya.

Halos dalawang buwan na lamang ang gagawing paghahanda ni Bea sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa Disyembre.

Isa pa lang ang report tungkol sa pagwawagi ni Bea ang bumanggit na halatang lesbiyana ang bagong MUP. 

In fairness to Bea, sa preliminary judging pa lang ay inamin na n’yang kasapi siya sa LGBT community. 

Sa question-and-answer portion ng pageant na ginanap sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino, Lunes ng gabi, January 13, ito ang sagot ni Bea sa tanong na ano ang nagpapaganda sa kanya? ”I guess what makes me beautiful is my bravery and being true to myself.

“To tell you guys honestly, I have a girlfriend, I have tattoos, and I’m very proud of my imperfection.

“And I guess that what makes me beautiful.”

Sa paglaon at sa pakikipag-usap sa media, sinabi ni Bea na limang taon na sila ng kanyang girlfriend, na laging nagtutulak sa kanya na sumali sa mga beauty pageant.

“I’m very happy that the organization accepted me for who I am and that a lot of people are supporting my cause.

“I don’t want to struggle, because I’m the one who’s going to suffer.

“If I hide it, I will be hurting a lot of people including my girlfriend,” pahayag niya. 

Performance DJ si Kate Jagdon, ang girlfriend ni Bea. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …