Tuesday , April 29 2025
Tito Sotto, Ping Lacson

Suhulan, sindikato sa gov’t
UNANG TARGET NI REPORMA BET PING LACSON

100721 Hataw Frontpage

SERBISYONG kahit minsan ay hindi tumanggap ng suhol.

                Ito ang naging pambungad na pananalita ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa kanyang talumpati sa loob ng Sofitel Tent Area matapos ang pormal na paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC) bilang presidente sa 2022 sa ilalim ng nabanggit na partido.

                Ang naturang pangungusap ay nakapaloob sa makabagong KKK na nangangahulugan ng Kakayahan, Katapatan at Katapangan na dala ni Lacson at tandem na si Senate President Vicente Sotto III sa pag-aalok ng serbisyong maglingkod sa taongbayan bilang presidente at bise-presidente simula sa susunod na taon.

                “Kakayahan, katapatan, katapangan – mga katangiang taglay ng Lacson-Sotto tandem na layuning maibalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan,” bahagi ng talumpati ni Lacson.

                Naiiba ang iniaalok ng Partido Reporma sa ilalim niya bilang standard bearer dahil kaakibat nito ang katangiang mahirap mahanap sa ibang nagnanais na maging pinuno ng bansa kung ang armas na gagamitin nito ang pagbabatayan.

                “Kahit minsan ay hindi tumanggap ng suhol kapalit ng serbisyo publiko—nananatiling walang bahid ng korupsiyon ang gagamitin namin  —- pinakamabisang armas upang buwagin ang mga sindikato sa loob at labas ng gobyerno,” ayon kay Lacson.

                Mamumuhunan rin aniya sila sa pamamagitan ng isang gobyernong kakikitaan ng wastong disiplina sa hangaring umani ng repormadong pamahalaan at bayan.

                “Kung ipagkakaloob ng Diyos na ang Lacson-Sotto tandem ang mapipiling mamuno, isang disiplinadong burukrasya ang paiiralin —- kabilang ang maayos na paggastos ng pambansang badyet upang makaabot ang biyaya at kaunlaran sa mga liblib na lugar sa bansa. Marapat lamang na mauna ang kapakanan nating mga Filipino,” dagdag ni Lacson.

At bilang huling yugto ng kanyang paglilingkod sa pamahalaan, ipinaabot ni Lacson sa publiko ang mensaheng,  kasalatan sa yaman ay hindi hadlang upang makatulong sa kapwa o mga kapos-palad.

                “Taos-puso kong iniaalay ang huling yugto ng aking paglilingkod sa ating Inang Bayan, sa aking mga namayapang magulang na siyang nagmulat at gumabay sa aming magkakapatid—na kahit kapos sa yaman at salat sa buhay, ang tuwinang tagubilin nila ay hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa kapwa lalo sa mga kapos-palad” ayon kay Lacson.

                “Ang tama ay ipaglalaban, ang mali ay lalabanan- isang personal na kredo na aking sinusunod na pamantayan sa mahabang panahon ng aking panunungkulan bilang sundalo ng sandatahang lakas ng  Filipinas, alagad ng batas, at hepe ng Pambansang Pulisya, Presidential Assistant ng dating Pangulong Benigno Aquino III at Senador ng Republika,” pagbabalik-tanaw ng mambabatas sa mga unang yugto ng kanyang paglilingkod sa gobyerno.

                Mensahe ni Lacson sa mga nawawalan ng tiwala at respeto sa pamahalaan ang mga katagang “panahon na upang maibalik ang dignidad at respeto sa sarili ng bawat Filipino sa loob at labas ng ating bansa.”

                “Kapag ang namumuno ay matino at inirerespeto, panalo ang pangkaraniwang Filipino!” pagtatapos ng Partido Reporma standard bearer.

Partido Reporma , Panfilo Lacson , Ping Lacson , Commission on Elections ,COMELEC , KKK , Kakayahan Katapatan at Katapangan , Vicente Sotto III , Tito Sotto, Lacson-Sotto tandem , Lacson-Sotto , Benigno Aquino III , PNoy,

About hataw tabloid

Check Also

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …

Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …