Saturday , November 16 2024
philippines Corona Virus Covid-19

40 Pinoys naitalang bagong kaso ng CoVid-19

MULING nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ( DFA) ng 40 bagong kaso ng CoVid-19 sa mga Filipino abroad.

Sa kabuuan umabot sa 23,313 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa mga Pinoy abroad, 8,376 dito ang nananatiling nagpapagaling sa ospital.

Umakyat naman sa 13,552 ang mga naka-recover sa naturang sakit kabilang ang 87 bagong gumaling sa CoVid-19.

Ayon sa DFA, nasa 1,389 ang bilang ng mga namatay dahil sa naturang sakit, kabilang rito ang dalawang Pinoy na binawian ng buhay nitong nakalipas na linggo.

Nanatiling pinakamataas ang tinamaang Pinoy ng CoVid-19 sa Middle East na may 13,113, pangalawa ang Asia Pacific region na may 5,517, pangatlo ang Europa at pang-apat ang America.

Patuloy na naka-monitor ang Kagawaran at Foreign service posts sa mga Filipino abroad upang maalalayan ang mga kababayan na naapektohan ng pandemya. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …