Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janus del Prado Scam

Janus del Prado na-scam — ‘wag tumulad sa akin madaling magtiwala

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

TINAWANAN na lang ang sarili. Pero aminado na hindi dapat ganito.

Eto si Janus del Prado.

“Share ko lang. Na scam ako. 1,500 lang naman. Pero malaki na din yun para sa akin lalo na sa panahon ngayon. 

“Note to self. Wag mag dedesisyon pag emosyonal pa. Let me explain. 

“Nagmamadali na kasi ako lumipat kasi i overstayed na my welcome dito kung san ako nakikitira. Basta. Reasons. Hay. 

“So nung may ad ako na nakita na 5k lang rent eh kinagat ko na. Nakuhanan ako ng reservation fee na 1,500. Toinks. 

“Pagdating ko dun kanina sabi ng may ari nung lugar scam daw. Hay ulit. Sa dami ng pinagdadaanan ko ngayon parang dapang dapa ka na sinisipasipa ka pa. Hay. Hello. Chos. 

“Ang worry ko lang nakuha niya phone number ko email at real name ko. I dont know how to go about this kung paano ko irereport at ipapahuli. 

“So for now warningan ko na lang kayo. Any ad na ang lugar ay sa gracepoint at si kuya ang makausap niyo eh scam. 

“And sana matulungan ako ng ng cebuana lhuillier rural bank marefund din yung na transfer ko sa account nya. Wanpayb pa rin yun ba. Tsaka para maturuan din ng leksyon. Salamat. Alam ko tanga ko kaya go lang mga insensitive na bashers.

“Ps. Di ako sure kung sya talaga yung nasa pic ng mga account nya. Pero yan yung ginagamit niya.”

Marami talaga ang mapagsamantala. Lalo at may epidemya.

At may pahabol si Janus.

“According to the alleged real jay tolentino na kinontak ako ay ito daw ang tunay na scammer na diumano ninakaw ang identity niya para maka pang scam. 

“Ang tunay niya daw na pangalan ay Rommel Miranda Gohilde at dating room mate ni “Real” Jay Tolentino na ninakaw ang phone niya at UMID. 

“Kaya kung totoo man eh sana daw matulungan siya at mapansin ni sir @raffytulfoinaction kasi madami na daw na scam to since December pa last year di umano gamit ang pangalan ni real jay tolentino.

“Sa totoo lang di ko na alam paniniwalaan ko pero active pa rin yung nang scam sa akin using the same ad ng apartment sa carousel at lamudi kaya ingat guys wag tutulad sa akin na mabilis nagtiwala.

“Spread awareness. Jail scammers.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …