Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali, Itigil Mo Na, GMA Music

Bianca hamon ang pagbabalik-recording

Rated R
ni Rommel Gonzales

SA nakaraang Kapuso Brigade Zoomustahan noong September 30, ibinahagi ni Bianca Umali sa mga Kapuso fan ang inspirasyon sa  latest single na Itigil Mo Na under GMA Music.

Aniya, ”This song was written and composed by Direk Njel de Mesa. Nung tinanong din siya, he said he really wrote the song for me. Nakakatuwa kasi bago iparining sa akin itong song ito, nagkaroon kami ng time na magkakilala ni Direk Njel and alam niya ‘yung kwento ko and maybe that’s what inspired him to write this song.”

Naging hamon din kay Bianca na magbalik sa recording matapos maging abala sa Legal Wives bilang Farrah.

“Definitely challenging, hindi na maalis ‘yun sa lahat ng ginagawa ko. But recording this song was a fun experience, kahit may pandemic hindi ‘yun naging hadlang sa pagbuo ng kantang ito. We were able to record smoothly and finish the song. I’m happy na nailabas na namin itong kanta.”

Ibinahagi rin ni Bianca ang mga sitwasyon na siya na mismo ang magsasabi ng mga katagang, ”itigil mo na” sa isang tao.

Saad ni Bianca, ”It can be two situations, if I love someone too much and I can’t let go. Ako na ang magsasabi na sana itigil mo na lang. Bitawan mo na ako para lumaya na ako.

“The second situation na masasabi kong itigil mo na, siguro kung mayrooong nagbibigay ng sobra-sobra pero feeling ko masasaktan ko lang, sasabihin ko na itigil mo na kasi ayaw kong makasakit,” dagdag pa niya.

Labis namang natuwa ang fan ni Bianca na si Mary Rose nang makausap niya ito kaya biglang naiyak sa Kapuso Brigade Zoomustahan.

Matapos mag-debut ng Itigil Mo Na sa #4 spot ng iTunes Philippines Pop Charts, umaasa si Bianca na magtuloy-tuloy ang kanyang singing career sa GMA Music.

“Hopefully an album maybe, ‘yan din ang inaabangan ko. I would love to continue pursuing music, lalo na ngayong I’m on my second single. Excited akong kumanta pa,” saad pa niya.

Inilabas ni Bianca ang kanyang unang single na Kahit Kailan noong March 2020 sa ilalim ng GMA Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …