Sunday , December 4 2022
Bianca Umali
Bianca Umali

Lola ni Bianca kailangang ligawan ng mapapangasawa

Rated R
ni Rommel Gonzales

Sa Legal Wives ay mga eksenang komprontahan ng tatlong asawa (Bianca Umali/Farrah, Andrea Torres/Diane, at Alice Dixson/Amirah) ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo).

Nara­nasan na ba ni Bianca sa tunay na buhay na may kinumpronta siya? O siya ang kinumpronta?

“Wala pa naman po, walang intent…never pa naman akong nagkaroon ng intention na sadyain kong mang-confront. I think I wouldn’t be rin naman that person who would intentionally do that and attack someone.

“Ayun nga, kung puwede namang pag-usapan and kung hindi rin naman…depende po sa situation also, pero kung pwedeng daanin sa usap ng maayos, ayun, I would go for that as well.”

Ano ang hahanapin niyang qualities sa kanyang future husband?

“Marami po, I think number one would be ‘yung makukuha ‘yung puso ng lola ko, ‘yun po talaga ang unang-una, ‘yung magugustuhan at masasabi ng lola ko sa akin na, ‘mahal ko ‘yang partner mo ngayon,’ ‘yun po ang una. 

“But of course, God-fearing, gusto ko napakaganda ng values, gusto ko rin po ‘yung kaya kong mahalin ‘yung hindi lang siya pero ‘yung buong pamilya niya and maraming-marami pa pong iba.”

‘Yung faith, tingin mo ba importante sa ‘yo ‘yung same kayo ng faith?

“Yes, of course, bilang napalaki po ako ng lola ko who is very religious, isa po ‘yan sa mga naging guidance ko rin po sa buong buhay ko, sa kung paano ko po naitatawid ang araw-araw, lagi po akong nakakapit sa faith ko,” pahayag pa ni Bianca.

About Rommel Gonzales

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai at Gerald nag-renew ng vows sa LA

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAROON ng renewal of vows ang mag-asawang Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan sa …

Vina Morales

Vina ‘di masamang magka-BF

HATAWANni Ed de Leon MAY bago na nga bang boyfriend si Vina Morales? Hindi lang naman …

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Leave a Reply