Saturday , November 16 2024
baby milk bottle

Sanggol pinukpok ng tatay, patay (Ayaw tumahan)

ARESTADO ang isang 20-anyos tatay matapos mapaslang ang kanyang tatlong-buwang gulang na anak nang pukpukin ng bote ng gatas nang ayaw tumahan sa pag-iyak nitong Biyernes, 2 Oktubre, sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguinda­nao.

Ayon kay P/Maj. Elexon Bona, commander ng Cotabato City Police Office precinct 2, dahil sa lakas ng pag-iyak ng bata sa kalalaliman ng gabi, nagtimpla ng gatas ang suspek na kinilalang si Mucher Repalda Flores.

Ngunit kahit may dinedede nang gatas, patu­loy pa din sa pag-iyak ang sanggol na nagtulak sa suspek upang paluin ang ulo ng bata ng bote ng gatas.

Samantala, nalaman ng ina ng sanggol ang nangyari nang gisingin siya ng kanyang kinaka­samang si Flores at uma­min sa nagawa niyang krimen.

Matapos makatanggap ng sumbong ang mga tauhan ng Cotabato City Police Station 1 na pinatay ng ama ang sariling anak, agad pinuntahan upang dakpin ang suspek sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 4, sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa mga kapit­bahay, kombinsido silang gumagamit si Flores ng ilegal na droga dahil sa pagbabago ng kanyang ugali at lagi umanong galit at aburido.

Samantala, pina­bu­laanan ito ni Flores at sinabing hindi niya sina­sadyang mapatay ang sariling anak at hindi umano siya lasing o nasa impluwensiya ng ilegal na droga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso dahil sa nagawang pagpatay sa sariling anak.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …