Saturday , November 16 2024
dead gun police

Ex-city hall official patay sa tambang )Sa Biñan, Laguna)

BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong opisyal ng lungsod ng Biñan, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin ng hindi kilalang suspek noong Sabado ng tanghali, 3 Oktubre.

Kinilala ni P/Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police, ang biktimang si Virgilio Dimaranan, dating head ng city accounting office ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Martinez, financier at leader umano ng isang grupo sa lungsod ang biktima.

Naitakbo ng nagrespondeng rescue team ang biktima sa Ospital ng Biñan ngunit binawian din ng buhay makalipas ang ilang minuto dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Nabatid na patungo sa kanyang sasakyan sa harap ng multi-purpose hall ng South City Homes sa Brgy. Santo Tomas, sa lungsod, nang lapitan ng suspek, binaril, saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Katatapos umanong dumalo sa meeting ng biktima kasama ang mga opisyal ng Biñan at ilang lokal na kandidato nang maganap ang insidente.

Tinitingnan kung may kaugnayan ang krimen sa pagpatay sa isa pang opisyal ng Biñan noong Oktubre ng nakaraang taon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …