HINDI nakaligtas sa kamatayanang isang 2-anyos batang lalaki nang masunog sa loob ng kuwarto habang nag-iisa sa Parañaque City, nitong Sabado ng hapon.
Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng batang lalaking namatay. Bunso umano sa tatlong magkakapatid ang biktima ng Brgy. Sun Valley, Parañaque City.
Ayon sa ulat na isinumite ni Parañaque Bureau of Fire protection (BFP) SFO1 Gennie Huidem, dakong 3:45 pm ng 2 Oktubre 2021 nang magsimula ang sunog sa 2-storey residential house na pag-aari ng isang Wilfredo Prado.
Umabot sa first alarm ang sunog na idineklarang fireout dakong 5:03 pm.
Tinatayang nasa 50 pamilya ang nadamay at apektadong kabahayan na umabot sa 13 yunit.
Ayon kay SFO1 Huidem, nasa ibaba ang lolo ng biktima at dalawang kapatid habang nasa kuwarto sa ikalawang palapag ang biktima nang sumiklab ang apoy at hindi na nakuha pang mailigtas.
Naiwan umano sa lolo ang mga bata dahil nasa trabaho ang ama at ang ina na nagtungo sa inaaplayang employment agency .
Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng apoy sa nangyaring sunog sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials.
(GINA GARCIA)