COOL JOE!
ni Joe Barrameda
MARAMI ang nagugulat sa ayudang ipinadadala ni Gretchen Barretto iba’t ibang sector ng ating lipunan. Ibig sabihin, hindi lang sa mga mahihirap namimigay si Gretchen ng ayuda na groceries at bigas.
Ang dami kasing nagkokomento kung may posisyong tatakbuhan si Gretchen.
Sagot naman ng mga nangangasiwa na pinamumunuan ng malapit na kaibigan niyang si Ana Abiera, walang ambisyong pasukin ni Gretchen ang politika.
Gusto lang mag-share ni La Greta ang mga biyayang natatanggap nito.
Ayun at malinaw na malinaw ang sagot ni Ana na majority ang nagtatanong sa dahilan ng pagbibigay ayuda ni Greta.