Wednesday , July 17 2024
Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

Gretchen walang balak tumakbo sa Halalan 2022

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

UMIIKOT ang Love Box ng aktres na si Gretchen Barretto

Sa tulong ng kaibigang si Ana Abiera, ipinamamahagi sa mga taga-entertainment field ang mga pa-ayuda ni La Greta.

Napuno ang Delmo’s Restaurant na paga-ari ni Ana ng sako-sakong bigas at grocery items gaya ng noodles, kape, canned goods at marami pa na ipina-pack nila ng kanyang mga angel, including our colleague Francis Simeon.

Tuwang-tuwa ang entertainment press na nahatiran na ng ayuda. Pati na rin ang mga kasama ni Gretchen sa industriya. At ang mga nawalan ng trabahong mga entertainer ng sing-along bars.

Ang agad na itinatanong ng karamihan kapag ganitong may nagpapahatid ng ayuda agad-agad eh, kung may plano bang tumakbo sa politika.

Nakayatawa man, pero hindi maiaalis. Hindi ba pwedeng gusto lang tumulong. Period!

Si Ana na ang nagsabing wala ‘yun sa bokabularyo nito.

Sa estado ng buhay ngayon ni La Greta, umiikot ang mundo niya sa anak na si Dominique.

Hindi maputol-putol ang pag-uugnay sa kanya kay Charlie “Atong” Ang. Na una pa namang nagsabing malapit din naman siya kay Gretchen at sa partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Na ipinakikita naman ni Gretchen sa mga vlog niya.

The most recent nga ay nang muli siyang magtungo sa farm ni Atong sa Lipa para sa tinatawag na Talpakan o Derby ng mga panabong na manok.

Sa pagkakataong ito kasi, isa si Gretchen sa mga naanyayahan para mag-bitaw ng mga manok na tinatayaan ng ‘di matingkalang halaga.

Invitational ang nasabing derby kaya may celebrities na sumaksi sa naabing event.

Nag-share pa nga si Gretchen mula sa paghahanda niya para sa paglalakbay patungo sa AA Farms hanggang sa kausapin ang ilang mga gaya niyang magbibitaw ng mga panabong. 

Doon din makikita ang pakikipagkaibigan ni AA sa mga kasamahan na celebrities ni Gretchen in showbiz.

Hindi rin maikakaila na bukod sa mga negosyong hawak niya, hindi naman inililihim ni AA na kahit wala siyang bisyo, nasa sabong at mga casino ang mundo nito.

Totoo ba ang nasagap naming balita na sa darating na halalan, may susuportahang kandidato ito?

Naku, hindi trapo. Bata. Sariwa.

Abangan!

About Pilar Mateo

Check Also

Barbie imperial How to Slay a Nepo Baby

Barbie ibinahagi sikreto ng pagiging glow & blooming

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging glowing, blooming ni Barbie Imperial nang dumalo ito sa media conference ng …

BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Bi7ib raratsada sa kantahan

REALITY BITESni Dominic Rea KAMAKAILAN  inilunsad ng grupong BI7IB ng AQ Prime Music sa kanilang comeback presscon ang bagong single …

Jed Madela Wish u the worst

Jed deadma sa mga isiniwalat ng dating manager

REALITY BITESni Dominic Rea GRABE ang pinakawalang usapin last week ng dating manager ni Jed Madela na …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene …

Enchong Dee

Enchong Dee excited gumawa ng kontrabida roles 

IBA’T ibang roles na ang nagampanan ni Enchong Dee. Nariyan ang bida, kontrabida. Pero tila sobra …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *