Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Betong Sumaya, Alden Richards

Betong napaiyak nang bilhin ni Alden mga ibinebenta sa live selling

Rated R
ni Rommel Gonzales

IBANG klase talaga ang kabaitan ni Alden Richards.

Nagkaroon kasi ng Facebook live online selling ng kanyang mga personal na gamit (sumbrero, t-shirt, mugs, Marvel items) si Betong Sumaya ilang araw ang nakararaan.

Malapit ng matapos ang online selling ni Betong nang isang RJ Richards ang nagtanong kung magkano ang halaga ng lahat ng ibinebenta niya.

Sa simula ay hindi agad nakilala ni Betong kung sino si RJ Richards. Matapos na basahin ng ilang ulit ang mensahe ay doon na napagtanto na ang kaibigan niya at kapwa Kapuso artist ang nagtatanong, na walang iba nga kundi si Alden.

“Si RJ Richards? Ha? Alden, ikaw ba ‘yan?” ang gulat na tanong muna ni Betong.

“Magkano lahat ang ibinebenta mo riyan, Bets?” ang muling mensahe ni Alden.

At iyon na nga, nagulat si Betong noong masigurong si Alden nga ang nagtatanong sa kanya ng halaga ng mga ibinebenta niya.

“Siya ‘yun! Ay, sumagot na nga.

“Ay, si Alden nga talaga ito! My God, Alden! Grabe naman ‘to!”

At ang sumunod na mensahe ni Alden ang nagpaiyak kay Betong.

“Bigyan mo ako ng P40K [worth].”

Na-shock si Betong at hindi makapaniwala na nanonood pala si Alden ng kanyang online selling at bibili ng halagang 40K.

“Sige, Alden, sige. Wow, my goodness Alden, napaiyak mo naman ako roon.

“Oh my God, Alden, thank you.

“Ano ba ‘yan, Alden, pinaiyak mo naman ako rito.

“Sige, Den, iano ko, iku-compute ko, thank you.

“Ano ba ‘yan, si Alden naman, o! Napaiyak talaga ako, sobra.

“Sige, Den, ku-compute-in ko, ha. ‘Yung sabi niya kasi, worth P40,000. Thank you, Den.”

Agad na binayaran ni Alden sa pamamagitan ng GCash ang ipinangako niyang halaga kay Betong, dahilan upang lalong umiyak ang komedyante.

“Hala, nagbayad na!

“Den, salamat, ha. From the bottom of my heart and my soul, maraming salamat.

“Hindi ko ini-expect na dadaan ka rito. Thank you,” ang sunod-sunod na umiiyak na pahayag ni Betong.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Alden ng The World Between Us ng GMA (na magbabalik-ere sa Nobyembre) at may nakapagsabi sa amin na kahit binayaran na ay hindi kukunin ni Alden ang mga biniling gamit kay Betong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …