Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo

Bea lalabas sa isang Pinoy Hollywood movie

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ISANG magandang balita.

As shared sa mga pahayagan sa Amerika.

Lalabas sa isang Pinoy-Hollywood movie na may pamagat na Angel Warrior ang ating aktres na si Bea Alonzo sa pamamagitan ng Inspire Studios.

Sa kalagitnaan ng 2022 sisimulan ang principal photography nito. Na ipamamahagi ang worldwide release.

Ayon sa balita ang istorya ay fact-based mula sa mga kwento ng WWII.

Hindi lang ‘yan.

Ang atin ding Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao pala ang katulong na prodyuser nito, kasama ang founder at CEO ng Inspire Studios na si John Shepherd (Stoning of Soraya M.). At mula ito sa panulat ni Cyrus Nowrasteh.

Gagampanan ni Bea ang katauhan ni Tala, ang pre-war Filipina na ang near-death experiences ang babago sa buhay niya upang mapasama at maging isang underground fighter o mandirigma na tumutulong sa mga Pinoy at ‘Merkano’ng guerillas sa nasabing panahon. Na naganap sa isla ng Panay. Sa tinatawag na resistance government noong Japanese occupation.

Ang nasabing proyekto ay ilulunsad sa isang event sa Los Angeles, California sa October 2, 2021 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Culture and History of Migration of the Filipinos in the US.

Way to go, Bea!

Good karma. Katumbas ang katakot-takot na blessings. Yaman at isa ka naman talagang premyadong aktres na talagang kailangang mas lalo pang mapansin. Hindi lang dito sa bansa kundi inter­nation­ally.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …