Wednesday , December 4 2024
PSA, PhilSys, money

Mayroon ba talagang PSA Philippine Identification System (PSA PhilSys)? (P3.52-B additional budget for 2021 nasaan?)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

STATISTICIAN at IT experts ba talaga ang kinuha ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa proyektong Philippine Identification System (PhilSys) o mga eksperto sa pagtambay sa mga mall at coffee shops?!

        Itinatanong po natin ito, dahil isa tayo sa mga biktima ng mga ‘arkitekto’ o ‘yung magagaling mag-drawing diyan sa PSA PhilSys.

        Ang Step 1 kasi ng PhilSys ay magrehistro online at pagkatapos ay padadalhan ka nila ng email kung kailan ‘yung Step 2.

        Ang Step 2 ay pagpunta kung saan ang pinakamalapit na PSA PhilSys satellite sa residensiya ng aplikante kaya siguro doon ako pinapunta sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City.

        Doon daw ika-capture ang aking biometrics gaya ng fingerprints, iris scan, at front-facing photo.

        Ang ganda ng bati nila sa email, uumpisahan ito ng “Good news, (pangalan ng applicant)! You have successfully completed your Step 1 Registration to Philippine Identification System (PhilSys). Your Appointment Reference No. (ARN) is – – – – for the next step. Nasa ibaba na niyan ‘yung kung saang lugar ka pupunta at anong oras.

Wow! Sabi ko ang bilis, muntik kong purihin ang PhilSys sa Bulabugin kahit hindi pa nangyayari ang appointment ko. Natuwa kasi ako sa bilis ng kanilang response.

Dahil nga nasa panahon tayo ng pandemya, sinikap kong dumating nang hindi masyadong maaga sa appointment at hindi rin naman late. Iniisip ko kasi na hindi dapat matagal ang exposure sa crowded places.

Sakto naman ang dating ko sa schedule ko, siguro ahead lang ako ng five minutes sa schedule kong 3:00 pm.

Natatanaw ko pa lang ‘yung lugar ng PhilSys, parang natuwa pa ako, kasi ang luwag, walang katao-tao. Aba, sabi ko, okey ‘to.

Habang papalapit nang papalapit ako sa PhilSys, wala talaga akong makitang tao at kahit staff nila wala!

Wattafak! 

        Wala akong mapagtanungan, kasi nga, walang tao. Iniisip ko, baka ‘yung applicant na lang ang gagawa para sa sarili niya, baka naka-remote na lang ang mga machine o gadgets, pero dapat may guide ‘di ba?

        Feeling ko tuloy, na-wow mali ba ako?!

        Binalikan ko ang messages nila sa akin, wala namang abiso na kanselado ang schedule ko. 

        At heto ang malaking kapabayaan dito sa sistema ng PhilSys, sandamakmak na pala ang reklamo at feedbacks ng mga applicant sa kanilang social media page, pero wala man lang nagre-response?!

        Hindi pa man umaarangkada ang proyekto ng PhilSys, e naubos na agad ang IT experts nila at baka pati ang pondo?! Saan napunta ang mga empleyadong itinalaga para sumagot sa social media at tumao roon mismo sa site kung saan nila pinapupunta ang mga aplikante?

        Aba,  Asec. Rosalinda Bautista, Madam, hindi pa ba nagre-report sa inyo ang Feedback and Grievance Management Division OIC na si Nicole Dane Navea sa sandamakmak na reklamo ng mga aplikante na daig pa nila ang na-1-2-3 kahihintay sa sagot ng PhilSys sa kanilang aplikasyon sa Step 1?

        Habang ‘yung mga aplikante naman sa Step 2 ay daig pa ang ‘na-indian’ ng ka-date nila dahil walang katao-tao sa PhilSys site.

        Hindi kaya, maagang nag-shopping sa nasabing mall ang mga IT experts at staff ninyo, Madam Bautista and Ms. Nicole?

        Silipin ninyo ang social media page ninyo, minumura na kayo ng applicants!

        Mukhang sa inyo pa mabubulilyaso ang proyektong National ID System. Ganito ba talaga ngayon sa gobyerno? Makuha lang ang budget, tengga na ang proyekto?!

        PSA chairperson Usec. Claire Dennis Mapa, puwede po bang magtanong? Nagtatrabaho pa ba kayo?

Ano na ang nangyari sa proyektong National ID System? Data capturing pa lang, butata na kayo!    

Lumarga ba ang proyekto mula nang italaga kayo ni Pangulong Rodrigo Duterte?

        Hindi ba’t noong nakaraang taon, inaprobahan ni Pangulong Digong ang karagdagang P3.52 bilyones pondo na ang layunin ay mairehistro ang 20 milyong Filipino sa ilalim ng PhilSys bago matapos ang 2021?

Sabi noong Disyembre 2020 ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “President Rodrigo Roa Duterte, together with the members of his Cabinet, approved the P3.52-B additional budget for 2021 to register 20 million more individuals (on top of the 50-million target) to the Philippine Identification System (PhilSys) by the end of 2021, as presented by Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.”

     Anyare?!

     Paging Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, pakibusisi na rin po ang PSA PhilSys at baka nagogoyo na rin ang sambayanang Pinoy sa proyektong ito!   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …