Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kathniel

(2G2BT series 1 taon pinaghandaan) KathNiel ninenerbiyos at excited

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

“TAPING muna tayo!,” ito ang sagot ni Daniel Padilla sa biro ni TV Patrol reporter MJ Felipe na ang hinahanap ngayon ng fans nila ni Kathryn Bernardo ay kasal nilang dalawa.

Nasambit kasi ng aktor sa panayam niya sa news program ng Kapamilya Network na, ”Sa loob ng sampung taon na ‘yun ‘di ba? Alam na rin namin kung ano ang hinahanap sa amin ni Kathryn.”

Kaya biniro siya ni MJ na kasal na ang hinahanap sa kanila.

Anyway, ang bagong titulo ng teleseryeng gagawin ng KathNiel ay Too Good To Be True na sisimulan na nilang mag-taping ngayong Oktubre.

Huling napanood sina Daniel at Kathryn sa digital series na The House Arrest of Us noong 2020 na napanood sa iWantTFC at nasa Netflix na rin ngayon.

Kuwento ng aktres, ”Mga kapamilya ito na po ang isa sa sorpresa na inihanda namin sa inyo at ng ABS-CBN. Finally, ia-announce na po namin na tuloy na tuloy na ang teleserye namin at mag-i-start na kami mag-taping this October. So the title is ‘Too Good To Be True’ at sana abangan n’yo and we’re really excited about this project.”

Say naman ni aktor, ”after four years ‘di ba? Four years na wala kami sa TV, heto nagbabalik na kami at magte-taping na kami very soon.”

Base sa kuwento ni Kath, inabot ng isang taon ang pagbuo ng konsepto ng Too Good To Be True kasama na ang ilang revisions ng script at hands on sila ni DJ dito na ididirehe ni Mae Cruz Alviar handog ng RGE unit ni Ms Rizza G. Ebriega.

“With the help of whole production team direk Mae, one of our favorite director and were happy that she said yes.

“And sinabi talaga namin ni DJ na gusto naming gumawa ng parang rom-com (romantic-comedy) like ‘Pangako Sa ‘Yo’ na heavy drama tapos nag-‘La Luna Sangre’ action. ‘Yung last naming rom-com was ‘Got To Believe’ (2013) pa,” pahayag ni Kathryn.

“Yes, it’s ‘Too Good To Be True’ nakagawa na kaming lahat ng isang magandang proyekto, isang magandang script. Excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil it’s been a while and very excited,” dagdag ni Daniel.

Sa katatapos na storycon ay aminado si Kathryn na ninerbiyos siya, ”kakatapos lang ng storycon namin tapos doon ko na na-feel na ‘oh my God, heto na talaga.”

Isa rin sa dahilan kung bakit kailangan na rin nilang gumawa ng teleserye ay handog nila ito sa kanilang supporters here and abroad na naghahanap sa kanila at para pakiligin sila gabi-gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …